Kabanata 19

19 3 0
                                    

"Okay na ako dito, Adrian. Pwede ka nang bumalik doon sa loob." Sabay lingon ko sa kotse ko.

"Sigurado ka?" tumango ako. Nag-okay sign siya sakin sabay balik sa loob ng bar.

Inisip ko kung uuwi na ba ako o magpeperform uli sa loob kasi baka hinihintay ako ng mga tao kaso nagdadalawang isip ako, baka kasi hindi ko kayanin. Nang makapag desisyon ako tinext ko nalang si Michelle, Andy at Nicole na uuwi na ako at hindi maganda ang pakiramdam ko.

Umupo muna ako sa sidewalk, nagmuni-muni, nag-iisip kung ano ba dapat kong gawin. Ipaglaban ko ba si Mico para sakin at para sa anak ko o wag maging makasarili at hayaan nalang siya sumaya sa iba.

Kaso kung iisipin naman wala naman akong dapat gawin. Wala rin naman akong say sa mga pwedeng mangyari at mga hindi mangyayari. Lahat ng to ngayon, its on Mico. He has the final word.

Biglang kumulog kaya nagmadali akong kunin ang susi ng kotse ko kaso narealize ko na naiwan ko pala ang gamit ko sa loob. Unti-unti ng bumubuhos ang ulan, kaya nagmadali akong bumalik sa loob kaso may biglang taong humarang sa akin.

"Mico"

"Alice. Pwede ba tayong mag-usap?" tumango ako.

"Pwede naman, pero kukunin ko muna yug gamit ko saka sumilong tayo mukha kasing lalakas yung ulan." Hindi siya gumalaw. Mukhang gusto niya na ata mag-usap dito.

"Bakit, Alice? Bakit kaylangan mo akong saktan ng ganito? Bakit mo ako pinagkaitan ng panahon? Alam kong nasaktan kita pero bakit naman ganito yung ganti mo sakin?"

"Mico-"

"Ang sakit-sakit kasi hindi ko alam kung ano ba dapat maging desisyon ko. Hindi ko alam kasi kahit anong gawin ko may masasaktan. Ang sakit kasi kahit ang sakit na mahal pa rin kita." Bumuhos na talaga yung ulan kaya hindi ko alam kung ang umaagos ba sa mga pisngi niya ay luha o kung ano.

"Mico, Im sorry." Naluluha kong sabi

"Alam mo ba kung gaano kasakit nang nalaman ko na kasal ka na lalo na nang nalaman ko na may anak ka na agad after kang umalis ng Pilipinas?" halos padiin niyang sinabi na nagpasikip lalo ng dibdib ko

"Mico hindi ko sinasadya na hindi sabihin sayo. Gusto ko, gustong gusto kong sabihin sayo pero natakot ako. Hindi ko kasi alam kung ano ba magiging reaksyon mo. Hindi kasi ako sigurado." Napahilamos siya ng mukha

"Bullshit naman, Alice! Hindi mo ba talaga naisip kung gaano kita kamahal. O kaya sumugal ka man lang para sating dalawa?"

"The last time I risked everything for you Mico, hindi mo ako sinipot sa estasyon ng bus. Sa tingin mo kakayanin ko pa mag risk ulit? Oh yeah, I did risk again, but guess what diba? May ibang babae ka na agad? So, tell me Mico, ako ba talaga naduwag? Ako ba talaga hindi nag risk? Ako ba talaga bumitaw agad?"

Hindi siya nakapag salita "Because Mico, the last time I checked, ikaw, ikaw lagi yung unang bumibitaw. Sa ating dalawa ikaw tong mahina. Ikaw tong paulit-ulit akong iniiwan." dinuro-duro ko ang dibdib niya

"Kaya wag na wag mo akong sisisihin na pinagkait ko sayo yung panahon dahil kahit kelan hindi mo sakin pinaramdam na karapat-dapat kitang mahalin." Pinunasan ko ang pinaghalong luha at ulan sa mukha ko

"Kaya wag na wag mong sasabihin sakin na nasasaktan ka ngayon dahil hindi mo alam" humikbi ako " hindi mo alam kung anong klaseng sakit ang pinaranas mo sakin."

Tumalikod na ako sakaniya pero bigla niya akong hinila sa kamay ko "I am sorry Alice. Hindi ko sinasadyang saktan ka ng paulit-ulit, siguro tama ka, mahina nga ako. Hindi nga kita pinaglaban o pinagkatiwalaan. Mas pinili kong talikuran ka kesa kausapin ka. Na naduwag ako pero Alice hindi naman nagbago yung laman nito" turo niya sa dibdib niya "Patawarin mo ako, Alice."

At The Right TimeWhere stories live. Discover now