Kabanata 13

127 4 3
                                    

"Ayser!" sigaw ko.

Narinig ko namang kumaripas siya ng takbo galing sa kabilang kwarto papunta sa kwarto ko. Ang sakit ng tyan ko sobra.

"Anong nangyayari di mo pa kabwanan ha?" sabi niya habang buhat ako

"Hon pumutok na yung water bag ko. Dalhin mo na ako sa ospital."

"Ito na ito na." natatarantang binuhat ako ni Ayser paputang kotse niya.

Next month pa ang due date ko. Bat naman napapaaga ang labas mo Miggy.

"Hon dilat lang wag kang pipikit. Prinactice na natin to diba. Dapat di ka makatulog. Dilat lang hon." Sabi ni Ayser habang nakahawak sa kamay ko at hinahalik halikan ito.

Kung wala akong mahal na iba siguradong matagal na akong nahulog kay Ayser.

Sobrang bilis ng pagmamaneho niya na parang pinapalipad niya to. Di rin siya tumigil sa kakausap sakin at sa anak ko.

Kung meron man dapat ako pasalamatan sa buong buhay ko. Si Ayser yun.

He saved me when no one else does.

Nang makarating kami sa ospital dali-dali akong nilagay sa higaan at dali dali rin naman akong hinawakan ni Ayser sa kamay hanggang sa napunta ako sa operating room.

Habang pasara ang pinto nakita ko si Ayser may tinatawagan sa telpono. At naiiyak siya habang tinatawagan ito.

Ayser anong ginagawa mo?

Ngumiti siya sakin. Nakita kong may tumulong luha sa mata niya

Saka nagsara ang pintuan.

Ayser's POV

Isa lang ang pumasok sa isip ko na tawagan. Si Mico.

Alam ko kahit na masasaktan ako, kahit na masakit. Alam ko na si Mico ang kaylangan ni Alice.

"Hello kuya Mark."

"Oh Ayser?"

"May number ka ba ni Mico?"

"Ha? Para saan?"

"Manganganak na si Alice. Kaylangan niya malaman na may anak sila."

"Oh tapos ano? Babalik si Alice sakaniya? Oh pano ka?" tuluyan ng tumulo ang luha ko sa aking mga mata sabay tingin ko kay Alice.

"Kung ako naman ang mahal niya. Ako ang pipiliin niya."

"Mahal ka ba niya? Maging selfish ka nga muna. Wag puro Alice ang nasa utak. Hayaan mo muna yung sarili mo maging masaya."

"Pero Kuya Mark ito ang dapat kong gawin."

"Hindi Ayser. Si Mico hinahanap niya na si Alice. Hindi mo mamamalayan na nanjan na siya sa tabi ni Alice bigla. Sa ngayon, bantayan mo muna si Alice. Namnamin mo muna yung kayo lang muna ang meron. Naiintindihan mo? Bye"

Tinignan ko muli ang saradong pinto.

Tama si Kuya Mark.

Panahon naman na siguro na maging masaya ako.

Kahit na sa saglit na panahon lang.

I'm sorry Alice.

Pero pwede ako muna?

Kahit isang buwan. Isang taon lang.

Ako muna.

"Sir. The patient want you inside." Sumunod ako sa loob. Ang unang sumalubong sakin ay ang napakagandang ngiti ni Alice na pilit na inaabot ang kamay ko.

At The Right TimeWhere stories live. Discover now