Kabanata 7

162 5 1
                                    

Ilang linggo na din ang nakalipas simula ng naging sekretarya ako. Masaya kasi unti lang ginagawa. Mukha namang hindi ako sekretarya kasi minsan siya pa bumili ng kape at pagkain ko. Tapos pinapaupo niya lang ako palagi. Minsan napapatunganga nalang ako sa ginagawa niya. Para siyang naprapraning eh.

Sekretarya ako pero ako ang pinagsisilbihan niya. Minsan kinikilig ako. Kasi naman nakakamiss din yung pag-aasikaso niya sakin.

Katulad nalang ngayun.

"Antok ka pa?" tumingin ako sakaniya ng nagtataka. Ang mukha niyang nag aalala. Tango tango ko siyang sinagot "Tulog ka pa wala naman pa tayong gagawin" Hindi niya tinago ang emosyon niya! Nung nalaman niyang nagulat ako. Saka niyang tinago ang emosyon niya "Sige na bago mag-iba ang isip ko" wala nanamang emosyon. Nalungkot nalang ako at natulog.

Pagkagising ko. "Honey ano ba tong sekretarya mo tulog ng tulog. Saka bakit nandito siya sa loob?" tanong ng isang maarteng nilalang. Nagpanggap nalang akong tulog. Lecheng babaeng to. May araw din to sakin. "Uy babaeng alila ibili mo ako ng kape" manigas ka. "Uy" sabay batok niya sakin sa ulo.

"Hindi ka ba tinuruan ni Tita Ruby ng Good Manners? Nakakahiya naman." maantok antok kong sabi.

"Aba! Sumasagot ka ha" sinabunutan niya ako "Baka nakakalimutan mong sekretarya ka lang dito?"

"Yun na nga. Sa pag kakaalam ko sekretarya ako ni Sir Emman hindi ng isang Tiffany Nicole Montereal" pinupuno talaga ako ng babaeng to eh.

"Enough. Tara na Tiff mag kape na tayo. You can have your break" pa lagay lagay pa sila sa braso. Nye nye nye nye niyo. Akala mo sinong maganda lecheng to.

Lumabas na ako ng opisina ni Sir. Emman. Emphasizing the word sir. Pumunta ako sa table ko dati na table na ngayon ni Michelle

"What's with the simangot thing?"

"Lecheng kapatid na yan ni Bryle napakasama ng ugali. Sabunutan daw ba ako. Pa Honey honey pa. Di naman bubuyog si Mico" umirap ako sa hangin, sabay gulo sa buhok ko. Naaasar talaga ako.

"Sounds like a jealous girlfriend" mapang-asar na tone at pakanta.

"Tigilan mo ako Michelle baka sayo ko ibaling ang galit ko." at inirapan siya

"Taray. Tara na kumain na tayo." lumakad na kami papuntang starbucks gusto ko magkape. Dapat sa Tiffany na yun kape ng kape eh. Para nerbyusin. Leche talaga. Ganda ganda ng simula ng araw ko binaboy ng isang asal baboy.

"Wag ka na nga simangot nang simangot" Pag pasok namin sa Starbucks nakita namin ang bwisit na babae. Wala pang bakanteng upuan kundi malapit sakanila.

"Leche di ko akalain na pwede pala ang asal baboy sa starbucks." iritang sabi ko.

"Are you saying something?" maarteng sabi niya

"Yeah I think so." tinignan ko siya "Bingi ka ba?" sabay irap sakaniya.

"Ako ba pinariringgan mo?"

"That's the question. Am I refering to you?"

"You're getting into my nerves."

"Oh? Nagkasya ako?" tumayo na siya at akmang susugurin ako ng napansin niyang nakatingin ang lahat ng tao.

That's what you get for ruining my day. "Lets go Mich. Ang baho na ng paligid dito. May mga basura kasi" narinig kong napahampas sa lamesa si Tiff pero lumabas na kami dun.

"Welcome back Alice!" Sigaw ni Michelle pag labas namin. Kilig na kilig siya. Ang tagal ko din di nilabas pagkamaldita ko ha. Sumusobra na siya eh.

At The Right TimeWhere stories live. Discover now