Kabanata 16

117 5 1
                                    


"Nasan ka ngayon?" sabi ni Mich sa kabilang linya.

"Nasa cab, iyak pa din ng iyak si Miggy" sabi ko habang pinupunas ang luha ko

"Bakit ka naman kasi padalos-dalos? Di na ba pwede pag-usapan yan? Lalayasan mo nalang yung asawa mo? Alice alam mo naman na nagpaksal ka kay Ayser diba. Aware ka din kung gaano kamahal ng anak mo yun?"

"Mich, hindi ko kaya. Hindi ko kaya manatili sa bahay na yun na parang walang nangyari. Na yung kasama ko sa bahay ko ay ang taong sumira sa buhay ko. Hindi lang yun, buong pagsasama namin, sa buong pagsasama namin, di man lang ba niya naisip na ipagtapat sakin yun?" natahimik sa kabilang linya si Michelle at napbuntong hininga. "Ngayon sabihin mo sakin, paano?"

Lumipas ang ilang minuto at nandito na kami sa bahay ni Mich dito sa New Zealand. Sinabi niya sakin na dito na daw muna kami manatili habang nag iisip-isip pa ako.

Patuloy parin si Miggy sa pag-iyak. Pag tinatanong ko siya kung anong gusto niya ang sasabihin niya lang "I want papa" tapos tatalikod na siya sakin.

Hindi ko na talaga alam ang gagawin, kung ano ang gagawin at kung paano pa magpapatuloy. Noong makatulog si Miggy, kasabay nun ay ang pagkatok sa pintuan.

"Alice, please mag usap tayo." Bungad ni Ayser sakin habang pinupunas ang luha sa mga mata niya. Binukas ko ang pinto at pumasok siya.

Naupo ako sa sofa at siya naman sa harap ko. "I am sorry Alice, patawarin mo na ako please." Nagsimula nanaman magsitulo ang luha ko.

"Ayser, hindi ko na alam kung paano ka tignan o kung paano kita pakikisamahan. Hindi ko na din alam kung paano ko pa ipagpapatuloy to lalo na kung ngayon alam ko na kung sino ba talaga ang sumira ng buhay ko." Deretso kong sabi sakaniya. Humikbi siya dahilan para mapatingin ako sakaniya

"Pasensya ka na Alice, hindi ko naman sinasadya. Bata pa ako noon. Alam ko na ngayon, at nagsisisi ako sa ginawa ko sayo."

Hindi na ako kumibo. Minuto ang nagdaan ng walang nagsasalita samin. "Pwede ko bang makita si Miggy?" tumango ako.

Tumayo siya at nakita kong dumiretso siya sa itaas. Sa totoo lang hindi ko alam ang ginagawa ko. Hindi ko alam kung tama ba tong desisyon ko. Tama bang iwan ko nalang si Ayser ng ganun-ganun lang? After all these years? After everything he did for me and for my son.

Naniniwala kasi ako na to be able to make a strong relationship, dapat yung foundation ng relasyon na yun ay Trust. Paano kung wala na ang Trust? Kaya mo pa bang mahalin yung tao? Yung trust kasi para sakin siya yung baboy sa sinigang, yung baka sa bulalo at yung manok sa adobo. Paano magkakaron ng sinigang, bulalo at adobo kung wala yung mga yun. Paano magkakaron ng pagmamahal kung walang tiwala? Because you can always love the one you trust but you cannot love the one you cant trust.

Paano kami magwowork ni Ayser kung in the first place nagsimula ito sa kasinungalingan at taguan?

Nakita ko bumaba si Ayser sa hagdan, mukhang mas-okay siya ngayon. "Aalis na muna ako, bibigyan kita ng oras para makapag-isip. Naka-usap ko na din si Miggy. Maayos na siya." Tumango lang ako.

Dumiretso sya sa pintuan at bago niya isara ang pinto "Sana kahit anong kasalanan ko, sana wag mong kalimutan na lahat ng pinakita ko sayo sa apat na taon, simula nung nagbubuntis ka kay Miggy, ay totoo. Mahal kita, Alice. Mahal na mahal. At kahit ano man ang maging desisyon mo, rerespetuhin ko yun." Nagpunas siya ulit ng luha. "Mahal na mahal kita Alice. Wag mo sanang kalimutan."

Tuluyan na siya lumabas sa pinto at isinara ito. Kasabay ng pagsara ng pinto naramdaman ko din ang pagtulo ng luha ko.

-

At The Right TimeWhere stories live. Discover now