Kabanata 17

121 4 1
                                    

Paggising kinabukasan nakita ko ang mga kaibigan ko na nagkalat sa sala. Nakatulog kaming lahat dito kagabi dahil sa kalasingan nila at ako naman dahil madumi pa ang kwarto sa itaas. Umuwi rin naman kaagad si Mico at Hannah kagabi. Itong mga to nagpaiwan dahil maglilinis naman kami sa itaas mamaya.

Kagabi rin ay tinawagan ko si Miggy bago matulog at sinabi ko kay tita na susunduin nalang ni Michelle bukas ng umaga si Miggy dahil hindi kinaya ni Mich mag drive kagabi dahil nga nagkasayahan kami.

Ako naman. Unti-unti ko na natatanggap na hanggang dito nalang kami ni Mico. Hanggang may Hannah, rerespetuhin ko kung anong meron sila. Kahit na masakit para sakin.

Habang naghahain ako ng almusal, pumasok si Adrian sa kusina.

"Good morning" ngiti niya sakin

"Good morning din! Gising na sila." Tumango siya

Sinilip ko sila at niyaya na mag-almusal. Sabay sabay naman sila tumayo at pumunta sa dining area. Ang weird kasi tahimik sila, hindi natural. Hanggang sa nagpanggap na tumatawa si Lloyd

"Ang awkward eh sorry. Okay ka lang ba Lice?"

"Bakit mo naman natanong?"

"Si Mico at Hannah." Napatingin ako sakaniya

"Hmmkay lang naman. Mukha naman masaya si Mico kaya masaya na rin ako para sakaniya." Masakit man pero walang halong kaplastikan ang sinabi ko. I am really happy for Mico. Nagtanguan naman agad ang mga kaibigan ko.

"Hindi talaga namin alam na isasama ni Mico si Hannah bes. Sorry"

"Bakit ka naman nag-sosorry. Okay lang yun ano ba! Mas okay nga yun nalaman ko agad diba. Nahuli na pala kami ni Miggy." Wala sa sarili kong sabi na nagpakuha ng reaksyon nila Oliver

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Oliver

Hindi ako nakaimik at nagpatuloy lang sa pagkain. Nagtitinginan silang lahat maliban samin ni Michelle na tahimik na kumakain.

"Anong ibig mong sabihin, 'Lice?" ulit ni Oliver

"Wag niyo na nga guluhin si Alice, Oli" sabat ni Bryle

"So alam mo rin kung ano sinasabi niya?" tanong ni Lloyd

"Anak ni Mico si Miggy okay?" sabat ni Michelle. Na nagpagulat ng mukha ko at lahat ng nasa kainan. "Sorry bes. Ako naman may kasalanan kung bakit hindi pa alam ni Mico to. Ako naman gumawa ng dahilan para di makilala ni Mico si Miggy. Sorry sorry."

"So Mico is the father? Like the real father?" tumango nalang ako sa tanong ni Adrian at nagsimulang magkwento simula sa umpisa. Wala na rin naman akong dapat pang-itago. Kaya nga ako umuwi sa Pilipinas diba? Para dito. Para kay Miggy. Kaso huli na.

Pagkatapos kumain ay nagsimula na rin kaming maglinis sa itaas. Gulat parin ang mga kaibigan ni Mico pero pinakiusapan ko sila na kung pwede ay huwag nalang sabihin kay Mico para hindi na magulo ang lahat. Maghahapon ng matapos kami at nang dumating si Miggy sa bahay. Kasama ang hindi ko inaasahan na tao.

"Ayser." Nginitian niya ako.

Nagkamustahan sila nila Lloyd bago sila isa-isa umalis bago magdilim. Naiwan kami nila Ayser at Miggy sa sala sa nakakabinging katahimikan. Nagkulitan si Miggy at Ayser habang ako naman nagluluto.

Pagkatapos namin kumain ng hapunan "Pwede ba tayo mag-usap, Alice" tumango ako, sinabi ko kay Miggy na manood at maglaro nalang muna habang nag-uusap kami ni papa niya.

"Alice, mahal na mahal kita. Alam mo naman yun diba?" hindi ako umimik "pero hindi kita pipilitin sa isang relasyon kung hindi mo naman ako kayang piliin mahalin hanggang sa dulo." Nagsimula nanamang magsitulo ang mga luha sa mata ko at sa mata rin ni Ayser "Sigurado ka na ba? Na ayaw mo na? Naiiwan mo na ako?"

At The Right TimeWhere stories live. Discover now