Kabanata 18

19 3 0
                                    

"Hi bes!" bati ko kay Michelle pagkapasok ko ng silid.

Nagtatalon siyang lumapit sakin. "Hoy bawal umiyak. Masisira make-up mo"

"Bes, hindi ako makapaniwala ito na talaga ikakasal na kami ni Bryle." Mangiyak-ngiyak niyang sabi sakin. Naghiwalay lang kami nung may kumatok sa pintuan.

"Bat di kami kasama sa group hug na yan!" sabay pasok ni Andrea at Nicole. Sobrang nagulat ako, grabe sobrang namiss ko tong dalawang to.

Tuloy tuloy lang ang pagkuha ng litrato saamin pati na rin ang pag-aayos kay Michelle. Lumipas pa ang ilang oras bago kami nagyakapan ulit at dumiretso sa beach. Knowing Michelle, and her carefree soul. Beach wedding talaga ang pipiliin nitong kasal.

Pagkababa namin nila Andy sa kotse nakita ko ang magulang ni Michelle na sumalubong sakin. Hindi ko alam kung alam ba to ni Michelle or baka pakana rin to ni Bryle pero tiyak ako na magiging masaya si Michelle dahil dito.

"Umayos ka, behave tayo ngayon." Pagpapaalala ni Tita sa kaniyang asawa.

"Hello, tita!"

"Iha! Nanjan na ba si Michelle? Ang batang yun talaga ikakasal nalang hindi pa sinabi samin. Buti nalang at kinontact agad ni Bryle si Mark kung hindi ay di pa namin malalaman." Niyakap ko siya dahil mukhang paiyak na ito, sa tampo, o sa galak ay hindi ko alam. Ang mahalaga sakin ay maayos na rin ang lahat pagdating kay Michelle.

Kinausap ko ang wedding organizer at nasabi niya handa na ang lahat at maayos na. Wala nang proproblemahin.

Nakahinga ako ng maluwag pero nalungkot din nang makita ko siya with her, bumababa sa kotse. Nawala lang ang tingin ko sakanilang dalawa ng makita kong tumatakbo ang anak ko papunta sa akin.

"Mom, do I look good? Tito Bryle's mama told me that I am the most good-looking child in here. Is it true?" sa mama kasi ni Bryle lagi iniiwan ni Michelle itong si Miggy lalo na pag wala ako o ang katulong namin. Kaya ito ay nakakatuwaan na ng mga magulang ni Bryle ang batang ito.

"Yes of course. Ikaw ang pinaka gwapong bata dito." He smiles so happily. 

"Sabi ni tito Bryle's mama na kamukha ko daw si daddy. Sino daddy mommy? Yung Lost King po ba?" nabigla ako sa tanong niya kaya naman ay hindi ko ito nasagot ng maayos at kinurot na lamang siya sa pisngi.

I told him to listen to the organizer kung ano man ang mga kaylangan niyang gawin para hindi siya magkakamali. Sa hulihan pa kasi ako ng pila dahil ako ang napiling Maid of Honor ni Michelle. I mean, may iba pa ba siyang choice?

"Your son really looks familiar." Sabi ni Mico sa may likuran ko na pinagsawalang bahala ko na lang.

Nagsimula na ang kasal at hindi ko napigilang umiyak buong kasal. Nandun kasi ako simula umpisa at alam na alam ko lahat ng hirap at sakit na dinanas nila. Pati na rin sa saya, nandun ako. And I could not ask for more. Ito, lahat ng to, deserve na deserve ni Michelle.

"Mommy, can I play with other kids?" sabi ni Miggy habang nakatingin sa mga anak ni Lloyd

"Of course, baby. Go on, basta wag lalayo ah. Dito lang ikaw sa makikita kita?" tumango siya at masayang bumaba ng upuan.

Nasa reception na kami ngayon at nagsasayaw na si Bryle at Michelle. Its their first dance as husband and wife.

"Hi." Bati sakin si Mico sabay upo sa upuang inalisan ng anak namin

"Hey." Simpleng bati ko habang tinatanaw ang anak at tinitignan din ang kasama niya. "Saan si Hannah?"

"Umuwi na. May emergency sa bahay eh." Tumango-tango ako "Are you staying dito sa resort?" tumango ako ulit

At The Right TimeWhere stories live. Discover now