Kabanata 3

180 5 0
                                    

Natapos ang gabi ko ng wala sa sarili. Hindi ako mapakali. Naguguluhan ako. Samu't saring tanong ang nasa utak ko. Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya? Alam niya bang dito ako nag tratrabaho? Sinadya niya bang panoorin ako? O baka nag aassume lang ako?

"Uy babae! Ayos ka lang?"

"Si Mico." wala sa sariling sabi ko.

"Huh? Anong meron kay Mico?"

"Nakita ko siya Mich. Alam kong siya yun. Di ako pwede magkamali." nakatulala parin ako at di makapaniwala sa nangyayari.

data-p-id=ec7d8cd4e8516454033953ece3ea1533,"Ewan ko sayo bakla. Di ko alam kung na prapraning ka lang o ano. Itigil mo na yan. Uwi na tayo." tumayo na siya at kinuha ang kamay ko pero hinila ko yun pabalik

"Hindi Mich. Dito lang tayo. Babalik siya. Alam ko"

"Sinabi mo na din sakin yan dati. Bumalik ba siya? Hindi naman diba?"

5 years ago...

Isang taon na kaming lumalaban sa magulang ko. School nalang ang tanging koneksyon namin sa isat isa. Kinuha ng daddy ang cellphone ko. Pati mga gadgets. Kaya pag dating ko sa bahay. Nagkukulong lang ako sa kwarto hindi lumalabas. Kung matigas siya. Mag papatigasan kami.

*knock knock*

"Leave me alone!" Sigaw ko sa kumakatok sa pintuan. Ayoko na ng isa pang sermon. Nakakasawang pakinggan ang paulit ulit na sasabihin at habilin.

*knock knock*

"Anong mahirap sa leave me alone ha? Ayoko ng kausap." Narinig ko nalang na nagbukas ang pinto ko. Of course. How can I be so stupid? They have the fucking spare key. Nagtulakbong nalang ako at pinatungan ng unan ang tenga ko.

"Anak." babaeng boses. Si Mommy. Ang akala kong isang taong magtatanggol sakin. Yun pala isa pang taong hawak ni daddy sa leeg. Mga taong walang kwenta. Hinimas ni mommy ang braso ko.

"Leave me alone" simpleng sabi ko.

"Anak wag ng matigas ang ulo. Alam mong gagawa ng paraan ang daddy mo pa-" napatayo ako sa sinabi niya.

"Enough mom! Enough with this stupid chants! Im old enough! I know what Im doing!"

"Wag mong pinagtataasan ng boses ang Mommy mo. Mommy mo yan!" Napatingin ako sa taong nagsalita sa pintuan. Tinignan ko siya ng nakakaloko.

"Really dad? Look who's talking? Eh ako? anak mo ako diba? Ang obligasyon mo ay suportahan ako. Di mo ba napag-aralan ang family planning and factors of having a Happy Family? Gosh! That's very simple. But then agai-" Nakatanggap ako ng isang malakas na sampal. That's the first time. Tinignan ko lang siya ng nakakalisik na mata. "Maluwag na ba sa damdamin mong saktan ako? Masaya ka na na nasasaktan ang sarili mong anak?" sabay tayo sa kama at kuha ng bagahe.

"Saan ka pupunta anak?" Tanong ng magaling kong nanay.

"Malayo sa empyernong buhay na to." Nakuha ko na ang lahat ng bagay na kakaylanganin ko. Lumabas na ako sa kwartong yun. Biglang hinawakan ng daddy ang braso ko at pinaharap sakin. Hinawakan sa magkabilang braso. Napakahigpit. Masakit.

"Hindi ka aalis." sabi niya habang inaalog alog ako.

"Talaga dad? Mapipigilan mo pa ba ako makaalis? Ano ikukulong mo nanaman ako. Ikukulong na parang preso. Dad! Sawang sawa na ako sa buhay na ganto. Kung di mo iibahin ang sistema mo. Pwes wala ka ng anak." padabog kong kinalas ang mga kamay niyang nakahawak sakin. Hahabulin dapat ako ng daddy ng pigilan siya ni Mommy.

At The Right TimeWhere stories live. Discover now