Kabanata 6

149 4 1
                                    

4 years ago...

Nagulat ako ng may demonyong tumatayo sa labas ng pintuan ko. Ang nag iisang Leonardo Imperial. Isasara ko na dapat ang pintuan ng harangan niya ulit.

"Mico. Hayaan mo ako kausapin ka"

"It's Emman sir and do I know you?"

"Gusto ko lang magpaliwanag. Maaari bang pumasok" Wala na akong nagawa at pinapasok siya.

Tinignan niya ng buong paligid "Matalino kang bata. Ginamit mo ang pera sa magandang paraan."

"Scholar nga diba" Wala akong respeto sa mga ganitong tao. Di naman sila karesperespeto eh.

May nilabas siyang mga papeles. "Mico patawarin mo ako. Alam kong mali ang ginawa ko sayo. Mali ang pagtrato ko. Pero maniwala ka nag sisisi na ako."

Nakinig lang ako "Parang awa mo na alagaan mo ang kompanya ko. Nag-aaral pa si Alice at di ko maiwan sakaniya ito. Dahil wala na ding natira sa mga ari-arian namin."

Nagulat ako sa sinabi niya pero tinago ko agad yun. "Transfer of account yan. Ibinibigay ko na sayo lahat lahat ng tungkol sa kumpanya. Parang awa mo na. Alagaan mo ang kumpanya. Kung pwede bigyan mo ng posisyon ang anak ko."

Nagulat ako nung una pero pinirmahan ko rin sa huli. Galit man ako kay Alice pero hindi ako ganung kasama katulad nila para di ingatan ang kumpanyang pinaghirapan nila. "Hindi natuloy ang kasal ni Alice at Ayser kasi nalaman ng pamilya nila na naghihirap na kami kay-" pinutol ko na ang sasabihin niya.

"Okie na napirmahan ko na. Uuwi nalang ako ng Pinas pag nawala na kayo. Para tuluyan ng mapunta sa akin ang kumpanya. Wag kang mag alala aalagaan ko yun, hindi pababayaan. Hindi ko rin pababayaan ang anak mo. Maaari ka ng makauwi." tumayo na ako para pagbuksan siya ng pinto.

"Salamat Mico. Alam kong may kabutihan ka parin jan sa puso mo. Naiintindihan ko ang pinanghuhugutan mo" tuluyan na siyang umalis sa bahay ko.

1 year ng namatay ang Itay. Gumaling naman ang sakit niya. Siguro sa katandaan na din. Ang inay naman nag-asawa ulit. Kaya medyo wala na akong kasama sa bahay na to.

Hinayaan ko na ang inay alam kong nalulungkot parin siya sa pagkamatay ng itay. Kaya naman niya na ang sarili niya. Matanda na siya. Natawa ako sa sarili kong joke. Ang hirap ng mag-isa.

Uuwi nanaman ako ng Pilipinas. Haharapin ko nanaman ang taong kinasusuklaman ko. Ang taong huling huli kong gustong makita sa talang buhay ko.

Si Alice.

Si Alice na nagbuhay kay Emman. Si Alice na sinaktan ako. At si Alice na binago ang buhay ko.

Ipapakita ko sayo. Na ang Mico'ng nakilala mo noon. Wala na ngayun.

Present...

Ayun ang dahilan kung bakit napunta sakin ang kumpanya. A week after that namatay na ang tatay ni Alice. Nalaman ko na nakuha na ng banko ang lahat ng sasakyan nila pati na ang bahay. Wala pala talagang natira kay Alice. Napag-alaman ko'ng nakikitira nalang siya kala Michelle.

Pinaprivate investigator ko siya. Kaya nalaman ko din na nagpapart time siya. Sinasadya ko lang naman pagalitan siya eh. Wala akong magawa eh. Dun ko din nalaman ang lahat lahat ng tungkol sakaniya.

"Mico Honey. Bakit mo pa sinama ang sekretarya mo." Sabay tingin sa likod kung san nakaupo si Alice. Napabuntong hininga si Alice.

"Tiff. Secretary ko siya."

At The Right TimeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora