Kabanata 5

166 4 0
                                    

Palihim akong ngumiti pero inalis ko agad ang ngiting yun. Nakakatuwa kasi siyang tignan. Dala ang laptop sa kaliwang kamay at ang patong patong na folder sa kanang kamay. Ang gandang babae. Prenteng prenteng sa kaniyang damit tas mukha namang alila. Sinadya ko yun. Palihim akong natawa. Di ko naman talaga gagamitin lahat yun. Pinagtripan ko lang talaga siya.

"Bilisan mo namang mag lakad. Late na nga tayo eh" pagsusungit ko sakaniya. Pag katalikod ko. Napansin kong bigla nalang akong napangiti sakaniya. Nakakatuwa parin ang pagiging inosente niya. Narinig ko ang yapak niya ng bigla nalang may kumalabog sa sahig. Tinignan ko siya ayun nadapa. Ang mas nakakatuwa ay inuna niya pa talaga ang laptop ko isave kesa sa sarili niya. Hay nako Alice.

Lumapit ako sakaniya "Tayo! Late na tayo. Di mo pa iniwan yang katangahan mo sa opisina." I masked my emotion. Ginamit ko nanaman ang walang emosyon na si Emman kahit sa loob looban ko tawang tawa na ako sa itsura.

Inabot ko sakaniya ang kamay ko. Inabot niya ito. Nagkalapit ang mukha namin. Ilang purgada nalang ang layo namin sa isat isa. Ang lakas ng kabog ng puso ko. Hindi. Hindi pwede to. Bigla kong binitawan ang kamay niya.

"Tara na late na tayo. Please do read the sign. Take care of yourself." Nauna akong lumakad. Ang lakas parin ng kabog ng puso ko. Hindi to pwede. Mico galit ka sakaniya. Galit ka. 

Napailing nalang ako. Nasa likod ko lang siya. Tama yan. Sumunod ka lang sakin. Sumunod ka lang sa mga gusto ko.

Pumunta na kami sa bagong investors ko kaylangan ko makuha to. Malaking kumpanya to. Kumpanya nila Bryle. Hindi nga lang siya ang nagpapatakbo ng kumpanya nila kundi ang kapatid niyang babae. Wala kasing hilig si Bryle sa negosyong ganto. Restaurant ang gusto niya.

Bumulong ako kay Alice "Alice dun ka muna sa kabilang table."

Iniwan niya ang mga gamit sa lamesa ko. Pagkatapos ay pumunta na siya sa kabilang lamesa. Sinimulan ko na ang pakikipag usap kay Tiffany. Nang napansin kong may lumapit na lalaki kay Alice. Napansin kong si Ayser Miguel Loyola yun. Ang dahilan ng lahat ng nangyari saming dalawa.

5 years ago...

Tinext ako ni Alice na naglayas daw siya sa bahay nila. Nakikipag kita siya sakin kinabukasan. Ang saya saya kong natulog nun. Excited na excited ako ng biglang kumalabog ang pintuan namin.

"Sino yan?" binuksan ko ang pinto at may biglang sumuntok sakin. "Tangna anong problema mo?""Ikaw. Ayser Miguel Loyola! Ang fiance ni Alice. Layuan mo na siya bago pa kita tuluyan." galit na sabi niya. Biglang umubo ang itay ng malakas. Inaatake nanaman siya ng sakit niya. May biglang pamilyar natao ang pumasok sa loob ng bahay namin.

"Tama na yan Ayser. He's not worth it." sabi niya ng walang emosyon kay Ayser. At tumingin sakin "Nice seeing you again Mr. Santos. And it will be the last."

Tinignan ko siya ng may pagtatanong. "I've heard may sakit daw ang tatay mo? Kayang kaya ko siyang pagalingin kung gugustuhin mo"

"At ano naman ang kapalit?"

"Ang paglayo mo sa anak ko"

"Hindi ko gagawin yun. Maaari na kayong umalis" Tumayo na ako at paalis na dapat

"50 million pesos. Kulang pa?" napaisip ako sa perang binibigay niya.

"Yun na ba ang presyo ng anak mo? Nakakahiya naman kay Alice." I said sarcastically

"Edi lumabas din ang katotohanan. Pineperahan mo lang si Alice." sabi ni Ayser

"Hindi yan totoo. Hindi mo na ba alam ang salitang sarcastic? Psh. Bobo."

At The Right TimeWhere stories live. Discover now