Kabanata 15

111 5 0
                                    

Ilang araw ang lumipas at ito naman ako masaya. Wala namang pinagkaiba samin ni Ayser. Para ngang mas naging komportable siya nung ginawa ni Mich yung ginawa niya. Okay na din yun para matahimik na ako, matahimik na kami at matahimik na si Mico.

Sabi nila nakauwi na daw si Mico sa Pilipinas. Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Kuya Mark. Sabi ni Michelle naging maayos naman ang sitwasyon sa Pilipinas. Pumayag na din ang Cabreras at Loyolas para maging partner ng Imperial.

At least successful din yung trinabaho ni Mico. Kahit di siya naging successful sa paghahanap sakin.

"Bes. Okay ka lang?" tanong sakin ni Michelle

"Oo naman bakit mo natanong?"

"Im sorry kung ganun yung naging sagot ko. Nagpanic na kasi ako hindi ko alam isasagot ko. Knowing na nakikinig si Ayser. Nakakatakot baka masaktan siya."

"Wag ka mag-alala kung ako din naman yun. Yun din naman gagawin ko. Ganun din yung sasabihin ko." Ngumiti ako sakaniya at siya rin sakin

"Miggy! Napaka likot naman eh!" sabi ko sa anak ko ng nakita kong bigla siyang nadapa.

Kaso nagulat ako ng biglang may lalaking nagtayo sakaniya bago ko pa siya malapitan.

"Mico."

"Alice."

Lumapit ulit si Michelle at kinuha si Miggy. "Dun muna kami bes" at umalis sila ng anak ko.

"Mas gwapo pa pala yung anak mo nung lumaki pa ng unti. Sanggol palang siya dun sa opisina ni Mark eh." Nakatawa niya yun sinabi pero halata naman sa mata niya na malungkot siya

"Kala ko nakabalik ka na sa Pilipinas."

"Ah kakabalik ko lang din. Magbabakasyon lang mga ilang araw."

"Ah ganun ba?"

"Kamusta?" sabay naming sabi.

"Okay lang naman." sabay naming ulit na sabi. Natawa nalang kami saglit

"Nasan si Ayser?"

"Business Trip."

"Hindi ka na daw nagtatrabaho sabi ni Mark."

"Oo eh. Hands on mom ako kay Miggy. Ayaw din ni Ayser na lumaki sa yaya katulad niya."

Tumango lang siya. "Ikaw kamusta ang kompanya?"

"Ayos naman. Wala namang problema kaya nga nakapagbakasyon pa kami ni Michelle" tumango lang din ako "Di ka na ba babalik sa Pinas?"

"Siguro pag nag-aral na si Miggy. Ayaw kasi namin ni Ayser yung standards ng pag-aaral dito. Baka umuwi kami ni Miggy sa Pinas" tumango lang ulit siya "Matagal ko na gusto itanong sayo to. Sa tingin ko kaya ko naman na itanong sayo." Sabi ko sakaniya "Bakit ka di dumating?"

"Saan?"

"Sa istasyon ng bus."

"Huh?" nagtataka niyang sabi "Ikaw ang di sumipot"

"Nandun ako hanggang alas dyis ng hating gabi Mico. Pero walang ikaw. Pati sa bahay mo wala kayo."

Napatingin siya sakin ng nagtataka. "Sabi ni" nag-alangan siyang sabihin ang sasabihin niya.

"Sabi nino?

"Sabi ni Ayser, may nangyari sainyo. Kinidnap niya ako. Akala ko. Akala ko sinet up mo ako" nabigla ako sa narinig ko. Ayser? Ano to? "Akala ko sinadya mong di ako kitain sa istasyon. Akala ko niloko mo ako."

At The Right TimeWhere stories live. Discover now