Kabanata 4

185 3 0
                                    


Mico POV

Pagkatapos niya kumanata sa Videoke Bar ni Oliver. Umalis na ako. Hindi ko namang sinasadya na magpakita sakaniya. Aminado naman ako na may epekto parin siya sakin. Araw araw ko ginagawa yun. Pagtapos ng first song niya aalis na ako. Kaya lang sa pagkakataon na ito. Nakita niya ako. Nagkatinginan kami.

"Tang nang buhay naman to eh." sabay bato ng bote ng alak. Araw araw nalang ang sakit sakit. Galit ako sakaniya. Sobrang galit ako. Pero bakit mahal ko parin siya. Gusto ko siyang pahirapan. Gusto ko siyang saktan pero bakit hindi ko magawa. Minahal niya ba talaga ako?

8 years ago...

Pinakiusapan ko ang buong basketball team para mag handa ng sorpresa para kay Alice. Si Alice na pangarap ng lahat ng lalaki. Kinaiinggitan ng mga babae. Si Alice na crush ko simula elementary. Malamang di niya ako kilala nun dahil nerd pa ako nun. Sobrang laki ng Eye glasses ko at laging naka tack in.

Pero noon High School na kami. Nung nalaman kong nag cheer leading siya. Nag basketball ako. Para mapalapit sakaniya. Best friend niya si Bryle kaya kinaibigan ko din si Bryle. Ang tagal ko siyang pinangarap. Ang tagal ko siyang hinihiling sa Shooting star. Hinihiling sa Wishing Well at sa 11:11. Ang bakla ba? Pero mula nung nakilala at nakita ko siya. Hindi ko na iniwan ang mukha niya.

Sinundan ko siya sa N.A baka sakaling mapalapit siya sakin. Kaso naisip ko. Di ko naman madadaan ang lahat sa hiling at baka sakali. Kaylangan ko gumawa ng paraan. Kaya nagpagwapo ako. Nag contact lense nalang ako. Kahit mahirap ang buhay namin. Pinag-ipunan ko yun. Nag basketball ako para mapansin niya. Nung naka-ipon na ako ng lakas ng loob. Naghanda na ako ng surpresa.

Surpresa na unang beses na gagawin sa school. Bahala na kung ma-guidance, ma-expell, ma-suspend. Atlis ginawa ko yung best ko. Kung di niya tanggapin bahala na. Basta na sabi ko. Nalahad ko.

Kinakabahan ako. Plinay na yung Presentation. Yung mga picture na pinakuha ko kay Bryle yung iba. Alam ko labag sa kalooban nila gawin to. Sabi nga nila corny eh. Pero ginawa parin nila dahil alam nilang head over heals akong inlove kay Alice.

Matapos pakita ang presentation. Lumabas na kami sa stage. Kumanta. Kinanta ko yung Out of my league kasi sabi ni Bryle yun daw yung pangarap ni Alice kantahin sakaniya ng isang lalaki. Nung nakita ko siyang mamula. Lalo akong ginanahan gawin to kasi alam ko'ng may epekto parin ako sakaniya.

Nang matapos ako kumanta. Bumaba ako sa stage at niloko siya. Ang ganda ganda niya tignan. Sobrang pula niya.

Kinalabit na ako ni Erll, yung unang lalaking nag bigay kay Alice ng bulaklak. Umalis na ako sa harapan niya. This is it. Isa isa silang nag-abot ng flowers kay Alice.

Pink, Yellow, Blue at Red. May ibat ibang ibig sabihin ang mga kulay na yun. Ang bawat bulaklak ay bubuo ng mga letrang 'Can I court you' ng matapos namin gawin ang mga yun lumapit na ako kay Alice.

Natuwa ako ng pinayagan niya ako manligaw sakaniya. Ang saya ko kasi ang akala kong imposible. Posible pala. Napayakap nalang ako sakaniya. Sobrang saya na di ko maexpress. Di ko mapigilang mapangiti at mapaluha. Ang taong pinapangarap ko. Malapit ko ng makuha.

"Calling the Attention of All Students kindly go back to your classrooms. NOW!" sigaw ng paging system. Mabilis na bumalik ang mga studyante sa mga silid. Humiwalay na ako ng pagkakayakap kay Alice.

"Tara na. Balik na tayo sa classroom. May haharapin pa akong teachers." tinignan niya ako ng nagtataka at nag aalala "Ayos lang yun. Atlis pinayagan mo ako" kumindat ako sakaniya. Nagulat ako ng bigla siyang tumakbo. Humarap muli siya sakin

At The Right TimeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang