Chapter 2 - Flashback

4.1K 82 8
                                    

Chapter 2: Flashback

Xyrra's POV

I am now a graduated grade school student. Pinaghahanda na kami ni papa sa magiging buhay namin sa ibang lugar dahil doon kami mag-aaral ng sekondarya.

~Sawakas! Makakalabas na rin kami sa bayan na ito.
I wonder what the outside looks like? Kagaya rin kaya ito ng lugar namin kung saan may namumuno ring mga hari at reyna, may mga prinsepe at prinsesa?

Naglalakad lang ako ngayon sa bayan at nagsisitunguhan naman sa akin ang bawat mamamayan na nakakasalubong ko sa daan upang magbigay galang.

"Magandang hapon po sa iyo mahal na prinsesa."

Pagbati ng isang matanda sabay tungo nito.

"Magandang hapon rin po."

Pagbati ko at tumungo rin bilang paggalang.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa dalhin ako ng aking mga paa sa isang fountain sa sentro ng bayan kaharap ng isang parke kung saan maraming mamamayan ang tumatambay at nagkakasiyahan kasama ang kanilang pamilya.

Umupo naman ako sa isa sa mga bench at pinagmasdan ang mga batang naglalaro ng habul-habulan di kalayuan sa aking kinatatayuan.

Napaawang naman ang bibig ko ng biglang madapa ang isa sa mga bata kaya ito ay pumalakat sa pag-iyak.

Kaagad namang tumakbo ang isang ina papunta sa bata at kaagad tiningnan ang mga binti nito dahil sa sugat na natamo nito sa pagkadapa.

"Sabi ko naman sa iyo. Mag-ingat ka sa paglalaro."

Sabi ng ina nito at pinapahid ang luha ng bata.

"Tara na munang umuwi at gamutin natin iyan."

Sabi ng ina at binuhat ang bata palayo sa parke.

~I wonder how it feels like to have a mother who will care for you, help you with your problems, relieve your sadness, takes away your pain.

Meron naman akong tumatayong ina ngayon, ang ina ni Xavier.
Wala siya ngayon sa palasyo at napakalimit niya lang pumunta sa palasyo, siguro dahil siya na rin ang namumuno sa aming sandatahan.

Yes. I accepted her. Pero iba pa rin talaga ang pagmamahal ng isang totoong ina na siyang hinahanap-hanap ko.

~Nasaan na nga ba si mama? Totoo ba talagang namatay si mama gaya ng paliwanag ni ate at ni papa sa akin? Pero how? How did she died?

Tanong ko sa aking isipan at lumipas rin ang ilang minuto ng mapagpasyahan ko ng umuwi na lamang sa palasyo ng makausap ko muli si papa tungkol sa bagay na ito, ganun na rin ang tungkol sa pagkatao ko, ang pagkatao naming lahat.

Nagtungo na kaagad ako sa silid tanggapan ni papa ng makarating ako sa palasyo.

Naabutan ko naman si papa na nakaupo lamang sa kanyang upuan habang ninanamnam ang paghigop ng kanyang kape.

At siguro sa ika-isandaang pagkakataon ay muli kong tinanong si dad sa bagay na ito.

"Pa! Ano ba talaga tayo? Bakit wala akong nanay? Totoo ba talagang patay na si mama? Sinong kalaban natin? At bakit natin kailangang magtago? Lilipat na nga ako ng ibang lugar. Tapos hindi ko pa alam kung ano talaga ako. Sino ba ako? "

pagsabi ko kay papa na matinong nakikinig sa akin dahil ilang taon na rin akong naghihintay ng sagot at sabog na sabog na ang nga katanungang 'to sa aking isipan.

Ibinaba naman niya ang pagkahawak sa tasa ng kape.

"Bukas malalaman mo rin lahat kayo ng mga bagong henerasyon."

Fallen: The Half Blood [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon