Chapter 7 - Creepy

1.9K 47 1
                                    

Chapter 7: Creepy

Someone's POV

Nanonood ako ng balita ng makita ko ang isang kakaibang aksidente kung saan isang lalaki ang natagpuang patay. Kakaiba ang kanyang pagkamatay dahil namatay syang mulat ang mga mata at may takot sa kanyang mukha. Walang makitang dahilan kung paano s'ya namatay. Parang tumigil na lang s'ya sa paghinga kaya't nabawian ng buhay.

"Sigurado akong 'di tao ang gumawa nito. Sawakas mabibigyan ko na rin ng magandang balita ang mga demi gods at goddesses. "

Sabi ko at pinatay na ang t.v.

...

Xiera's POV

"Sana'y walang makahalata sa mga kalaban sa nangyayaring ito. "

Sabi ko habang pinapanood ang balita. Wala kaming pasok dahil araw ng linggo. Narito kami ngayon sa bahay na inuupahan namin ng mga bagong henerasyon.

"Nasaan nga pala si Xyrra ate Xiera? "

tanong ni Allesa.

"Humahanap ng mga movies sa kanyang laptop".

Sagot ko kay Allesa.

Pinatay ni Zach ang Balita sa T.V at kinuha kaagad ni Clarence ang dalang USB ni Xyrra saka isinaksak ito sa T.V.

Pinapanood namin ang live action movie ng Tokyo Ghoul na paborito ng mga kasama ko rito.

Magkatabi kami ni Clarence at nasa kanan n'ya si Xyrra. Nasa kaliwa ko naman si Allesa at nasa tabi niya si Zach na kada oras ay pasimpleng sumusulyap kay Allesa.

"Halata ka Zach. "

sabi ko kay Zach na napatitig lang sa akin ganun na din si Allesa.

Napatingin naman si Allesa kay Zach na halatang namumula na ang mukha dahil sa kilig.

...

Zach's POV

~Ang ganda talaga ni Allesa.

Magkatabi kami ngayon na nanonood ng movie dito sa salas. Walang oras na 'di ko mapigilang tingnan ang kanyang mukha.

"Halata ka Zach. "

napatingin ako kay ate Xiera na nakatingin pala sa akin kanina pa.

Kinabahan ako lalo na't nakuha rin niya ang atensyon ni Allesa. Tumingin sa akin si Allesa na parang naguguluhan, pero 'di ko talaga mapigilang kiligin kaya namula ang aking mukha.

Nakita ko ang ekspresyon ni Allesa na parang natatawa ng makita n'yang namumula ang aking mukha. Natigil ito dahil sa gulat naming lahat ng biglang bumukas ang pinto at nabuksan ang ilaw.

At nakita namin sa harap ng T.V ang isang maliit na tao na nakasuot na maskara. Aatakehin na sana ito ni Clarence ng bigla itong nagsalita.

...

Xavier's POV


Nakita kong balak na akong atakehin ni kuya Clarence kaya't nagsalita na ako sabay hubad ko sa aking maskara.

"Hi mga ate at kuya! "

sabi ko na lalo nilang ikinagulat.

~Para talaga silang mga bata!

"Ikaw ba yan baby Xavier? "

Tanong sa akin ni Kuya Zach.

"Oo ako nga! "

Fallen: The Half Blood [COMPLETED]Where stories live. Discover now