Chapter 13 - We'll See

1.3K 28 1
                                    

Chapter 13: We'll See

Percival's POV

Nasa bahay ako ngayon kasama si Angel. Kumuha na rin kasi kami ng bahay dito sa mundo ng mga mortal para mas maayos na rin naming magawa ang aming misyon.

"Nakilala ko na ang isa sa kanila."

pagmamayabang kong sabi.

"Wow! Sino siya? Siya ba yung high class? "

tanong sa akin ng namamanghang si Angel.

"Oo. Si Clarence Villarde. Ang vice president ng student council at kilalang athlete ng school na pinapasukan natin."

Sabi ko sa kanya.

"Siya pala yon? Nakita ko na siya sa personal noong una pero wala akong maramdaman sa kanya. "

Sabi nito na para bang iniisip pa kung paano niya nakilala ang si Clarence.

"Dahil may ginagamit siyang spell para matakpan ang kanyang kapangyarihan. Magaling siya. Pero makikita ko pa rin yon kahit anong gawin niya. "

Pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Hahaha. Expected for a son of a demi god."

Nakangising sabi sa akin ni Angel.

"Well, hindi naman ako ganun kagaling. Isa akong half. My father's a demi god but my mother is just a human. I am 75% demi god and 25% mortal. Kaya nga kailangan pa nating gawin ang misyong ito para mapatunayan ko sa kanila na kaya kong maging isang ganap na demigod."

Pagpapaliwanag ko kay Angel na ikinatango-tango niya.

"By the way, kilala mo na rin ba ang ilang demons? "

Pag-iiba niya sa topic.

"Yes. Pero hindi ko pa kilala ang isa sa anim na bagong henerasyon ng mga demonyo."

Sagot ko sa kanya.

"Sino-sino ba sila master?"

tanong sa akin ni Angel.

"Si Allesa Ramirez at Zach Lee na isang Class A demon. Si Clarence Villarde at Xavier Williams na isang Class S demon. At si Xyrra Williams na hindi pa natin sigurado kung siya ang isa sa dalawang half blood. At ang isa ay si?"

Pagtigil ko dahil hindi ko pa kilala ang isa sa mga ito.

"Si Xiera Williams, kapatid ni Xyrra at Xavier. Dito siya nag-aral noong una pero lumipat na rin sa ibang school. Hindi ko pa siya nakikilala kaya't hindi ko masasabi kung anong class siya o kung isa siya sa half blood."

Pagbibigay ng impormasyon sa akin ni Angel.

"Huwag mo na siyang alalahanin. Ako na lang ang kikilala sa kanya. Sa tingin ko'y katulad ni Clarence hindi mo rin mapapansin ang kanyang nakatagong kapangyarihan. Basta ang abyadin mo na lang ay ang kanyang kapatid na si Xyrra. At alamin mo lahat ang tungkol sa mga bagong henerasyon. "

Fallen: The Half Blood [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon