Chapter 35 - Badya

873 17 1
                                    

Chapter 35: Badya

Xiera's POV

"ALLESA! "
sigaw ko ng atakehin nina Helaena at Hendrickson si Allesa, ngunit may pumigil dito.

"Zach? "
Sabi ni Allesa ng pigilan ni Zach ang atake ng dalawa.

"Hi my loves! "
Nakangiting sabi ni Zach kay Allesa na ikinangiti nito.

Sumunod naman ng atake si Clarence, kaya napaurong ang kambal.

"Paano kayo nakarating dito? Wala ba kayong nakalaban?"
Tanong ko sa dalawa ngunit nagtinginan lang ito sa isa't isa.

"Gumana ang teleportation niyo. Impressive."
Biglang sabi ni Heidon.

Nilagyan kasi nila ng mahika ang buong south side pero hindi pala ito ganun katibay kaya nagagamit pa rin namin ng mga bagong henerasyon ang aming kapangyarihan. Ito rin ang dahilan kung bakit nanghina at namatay kaagad ang aming mga kawal.

"Sinong nakalaban niyo? "
Dagdag na tanong ko sa kanila.
Nakita ko naman ang pagseryoso ng kanilang mukha matapos mapakinggan ang tanong ko.

"Siguradong nakalaban niyo ang demigod Rhesus at ang mga anak nito. "
Sabi ni demigod Heidon.

"Si Rhan at si Reina. Kilala niyo sila diba? Ang mga anak ni tito Rhesus. "
Sabi ni Helaena na ikinagulat namin ni Allesa.
Tumingin naman ako kay Clarence na tumango lamang.

"Huwag kang mag-alala Xiera. Matibay ang mahikang ibinigay ni Marco sa dalawa. Hindi nila kayo matatandaan. At hindi namin hahayaang matandaan pa nila kayo."
Seryosong sabi ni Heidon sa amin.

Nagsama-sama na kaming apat at balak ng magteleport papunta kayna mommy Eli ng may pahabol pang sinabi sinabi si demigod Heidon.

"Pag-isipan mong mabuti ang mga sinabi ko sayo Xiera."
Nakangisi nitong sabi at tuluyan na nga kaming nakaalis sa lugar.

Nandito na kami ngayon sa lugar kung nasaan sina mommy Eli at Marco, ubos na rin ang mga kasama nilang kawal at sila lamang dalawa kasama ang mga demigod ang nananatiling nakatayo sa gitna ng mga bangkay ng mga angel warriors at ng sandatahan namin.
Malayo ang agwat ng dalawang panig sa isa't isa, nasa likod na kami nina mommy Eli.

Dumating na rin ang iba pang demigod. At lalo lang ulit kaming nagulat ganun na rin si Marco ng makita namin ang magkapatid na sina Rhan at Reina.

"Alam kong tatakas na kayo. Pero tandaan niyo, ngayon pa lang kitang-kita na kung sino ang mananalo sa laban na ito."
Sabi ni demigod Selena sa amin.

"Tandaan niyo rin na kahit anong mangyari, hinding-hindi kami papayag na matalo."
Sabi ni mommy Eli sa kanila.

"Hahahaha! Mabuti nga pinagbigyan pa namin kayo. "
Natatawang sabi ni demigod Mariana sa amin.

"Oo nga pala. Pasabi kay Yadira. Baka pwede na siyang lumabas sa kaniyang lungga."
Nakangising sabi ni Procopios sa amin.

"Patay na siya. "
Madiin na pagkasabi ni mommy Eli sa kanila.

"Hindi. Alam naming hindi."
Seryosong sabi ni Procopios.

Fallen: The Half Blood [COMPLETED]Where stories live. Discover now