Chapter 5 - Nararamdaman

2.6K 49 1
                                    

Chapter 5: Nararamdaman

Xyrra's POV

"Rhan! Tulungan mo naman ako sa assignment. Dali na please. "

pagpupumilit ko kay Rhan na seryosong tinatapos ang kanyang assignment.

"Oo maghintay ka naman."

sabi nito na parang naiinis na yata sa akin kaya napanguso na lamang ako.

Tinititigan ko siya sa kanyang ginagawa ngayon at napansin n'ya atang nakatitig ako sa kanya kaya't nagkatinginan kami sa isa't isa.

"Matagal pa ba yan? "

natigil ang aming pagtitinginan dahil sa pagtatanong ni Allesa na naghihintay rin pala ng biyaya. Este ng sagot sa assignment.

"Hindi. Malapit na 'to, maghintay pa kayo ng ilang minuto."

sagot ni Rhan kay Allesa.

...

Natapos na ang klase namin sa Mathematics at nakakuha kami ng perfect score sa assignment.

"Salamat talaga Rhan. "

pagpapasalamat ni Allesa kay Rhan.

"Wala lang yon. Kaibigan ka ni Xy kaya't kaibigan na rin kita. "

sagot nito kay Allesa na napansin kong iba ang tingin at ngiting ibinabato kay Rhan.

~I smell something fishy. Could it be?

Alam ko kung nagkakagusto si Allesa. Sa tagal ba naman naming laging magkasama.

"Tara na sa labas! Hanap na tayo ng makakainan."

Pag-akit ni Reina sa amin at nagkanya-kanya na nga kami ng bitbit ng mga gamit at sabay na lumabas sa silid-aralan.

...

Rhan's POV

"Hay sawakas! Natapos din ang nakakalugaw sa utak na math!"

hikab ko na may pagtaas pa ng kamay.

Naglalakad na kami ngayon palabas ng unibersidad at naghahanap ng makakainan.

"Mag-aalas-dose na anong gusto niyong kainin? "

tanong sa amin ni Reina.

Nakita naman namin si Allesa na napatingin sa isang lugawan.

"Jusko! Allesa? Lugaw na nga utak natin sa Math, maglulugaw pa tayo? "

sarkastikong sabi ni Reina na tinawanan naming lahat.

"Tumitingin lang grabe ka! Pati, hindi naman yun yung tinitingnan ko kundi yung katabi oh! "

pagturo ni Allesa sa katabi nitong tindahan.

"Sisig! Masarap yan! Sige diyan na tayo kumain. "

Fallen: The Half Blood [COMPLETED]Where stories live. Discover now