Chapter 12 - Sana

1.3K 29 1
                                    

Chapter 12 : Sana

Allesa's POV

Matagal ko ng gusto si Rhan. Simula pa lang ng makilala ko siya kaso ang sakit! Hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan ang sinabi niya sa akin.

Nandito ako ngayon sa aking kwarto alam kong nagtataka sina ate Xiera at Xyrra kung bakit ako nagkukulong sa kwarto ko.

Gusto ko kasing iluha lahat ng lungkot na nararamdaman ko. Maga na ang mata ko at basa na ang unan ko dahil sa aking kakaiyak.

(Flashback)

"Allesa! "

napatigil ako sa paglalakad ng makita si Rhan na tinatawag ang aking pangalan.

"Oh bakit? May kailangan ka? "

tanong ko kay Rhan.

"Pwede bang mamasyal tayo at magkuwentuhan bukas?"

tanong sa akin ni Rhan na ikinagulat ko.

~Ito na ba yon? Date ba to? Ohh may ghad! I can't wait.

"Sure. Why not? Where and what time?"

nagpipigil kong kilig habang tinatanong siya.

"We'll meet up at Reyes street 5 pm. See you there. Sige uwi na ako. Bye! "

sabi nito.

"Bye Rhan."

Nang hindi ko na siya matanaw napairit ako kaya't pinagtinginan ako ng mga taong dumadaan. Kakakilig kasi eh.

Nakauwi na ako at nakahilata na ngayon sa aking higaan. Halos 'di na ako makatulog dahil sa excite.

"Please naman oh patulugin mo na ako babe. "

sabi ko habang tinititigan ang larawan niya sa cp ko.

"Who's babe?"

Napabalikwas at napasigaw ako ng nagsalita si Xyrra na kanina pa pala ako tinitingnan.

"Ano ba yan Xy!? Akala ko multo ka na. Pati akala ko ba tulog ka na. Kanina ka pa ba diyan?"

Naiinis na sabi ko sa kanya.

"Oo kanina pa ako dito. Who's babe nga pala Allesa? Uyyy ikaw ha.! May tinatago ka na sa akin. I mean kilala ko pala si babe mo HAHAHA. "

natatawa niyang sabi habang papalapit sa aking higaan.

"Uyy Xy. Wag ka namang maingay oh. Atin-atin lang 'to."

pagmamakaawa ko sa kanya

"Yes! Sure naman beshie! Botong-boto ako sayo. Kailan ka ba magcoconfess ha!? "

tanong niya sa akin na ikinamula ng aking mukha.

"Ano ka ba Xy! Bukas na kasi date namin. "

Fallen: The Half Blood [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon