Chapter 54 - Hell

474 13 3
                                    

Chapter 54 : Hell

Xyrra's POV

Medyo naguguluhan ako sa mga pangyayari pero natatandaan ko na rin paunti-unti. Pinagsisihan ko ang nga araw na kinalaban ko ang sarili kong pamilya. Alam kong ako pa rin ang makakatapos sa digmaang ito. Ayaw kong maging isang pabigat muli sa kanila, I won't let them down.

"Bilisan na natin!"
Sabi ni ate Xiera at patakbo na kaming tumungo sa throne room.

Hindi ko mapigilang laging mapatingin kay Clarence, hindi ko alam pero all the feelings I had for Rhan before turned for Clarence.

Ayaw kong masaktan si Rhan. Pero ang isinisigaw na ng puso't isipan ko ay si Clarence.

Kaagad naman naming binuksan ang pinto ng throne room. Ramdam na ang malakas na kapangyarihan ni Satanas mula sa impyerno.

Pero ang magkapatid na Lucia at Lucilofer ay nanghihina na malapit sa pentagram na sinosoportahan pa rin nila ng kanilang kapangyarihan.

"Hindi kagaya ng dati, humina na kayo. Mas madali na kayong patayin ngayon."
Seryosong sabi ni papa sa dalawa na galit na galit sa kanya.

"I am so disappointed in you. I regret for creating you. Hindi ko akalaing magkakaanak pala ako ng isang traydor."

Madiing pagkasabi ni Lucia at kitang-kita ang galit sa kanyang mukha.

Medyo natakot naman ako ng tumingin banda sa aming mga bagong dating si Lucia at tumawa lamang ito.

Pumunta naman sa harap ko si Rhan at tinakpan ako na parang pinoprotektahan.

"You fools! You thought of winning this war yet nothing has been stopped."

Nakangising sabi nito na ikinahanda ng lahat sa pakikipaglaban.

Bumuka na ang lupang pinagguhitan ng pentagram. Isa na itong ganap na lagusan sa impyerno  at laking gulat namin ng nasa likod na pala namin si Lucilofer.

"Lucifer is ready..."

Sabi ni Lucia at hinigit ni Lucilofer si Clarence patungo sa pentagram.

Kaagad naman akong tumakbo papunta sa kanya para higitin siya pabalik ngunit hindi ko nakapitan ang kanyang kamay.

"CLARENCE!"

Sigaw namin ng inihulog ni Lucilofer si Clarence sa lagusan ng impyerno.

Lahat kami ay napatulala sa nangyari. At lahat kami ay nakaramdam ng takot ng maramdaman na namin ang buong kapangyarihan ni Satanas na lumalabas sa lagusan.

Bigla namang lumabas dito si Clarence na ikinagulat namin.

"Clarence?"
Lalapit na sana ako kay Clarence ng lumapit sa amin si Procopios at si papa ngunit pinigilan ako ni Rhan.

"Welcome back Lucifer."
Pagbati ni Lucia kay Clarence at tumungo sa harapan nito ganun na rin si Lucilofer.

"No. It can't be."
Malungkot kong sabi sa nag-ibang Clarence.

Fallen: The Half Blood [COMPLETED]Where stories live. Discover now