Chapter 46 - Bangungot

1.3K 34 3
                                    

This part is dedicated to SiiRyal thank you for making a really great new cover for this book.
Check out her profile 😉

______________________________

Chapter 46: Bangungot

Lucia's POV

"May pitong demigod. Mga hayop na demigod."

Pagsisimula ko at tumawa ng malakas si Lilith.

"Una. Si Yadira, 'The great demigoddess'. Ang pinakamalakas sa lahat ng demigod, mapapisikal o kapangyarihan man. The light empress."

Pagbabasa ko sa pahina sa libro na patungkol lamang sa mga demigod.

"Diba siya ang dahilan kung bakit nagtaksil sa atin si Velafor? Dahil sa pagmamahal sa babaeng iyan."

Sabi ni Abaddon sa akin.

"Agh!! Ang Velafor na yon! Siya pala ang pumapatay sa atin isa-isa! Ang traydor na yon!"

Galit na sabi ni Lilith.

"Atleast we have his daughter. Ang kanilang magiging anak pala ang nawawalang susi na matagal na nating hinahanap. Ang katawan at kaluluwang ito pala ang tanging makakapagpakawala kay papa."

Sabi ko habang tinuturo pa ang katawang gamit ko.

"So dapat pa pala tayong magpasalamat?"

Tanong ni Cerberus.

"Oo mga anak. Kung hindi dahil sa hangal na kapatid niyo hindi sana makukumpleto ang lahat ng susi. Hindi niya kasi sineryoso ang babalang ibinigay sa kanya ni papa."

Nakangiti kong sabi.

"Hahaha... Nasaan na nga pala ang lalakeng iyon?"

Tanong ni Abaddon.

"Edi kasama ng mga hayop na demigod hahaha. Ma ipagpatuloy mo na."

Sagot ni Lilith at pinagpapatuloy pa ako sa pagsasalita tungkol sa mga demigod.

"Yadira. Wait. What is this? Deceased?"

Sabi ko ng mapansin ko ang salitang 'deceased' sa tabi ng pangalan nito.

Lumapit naman si Lucilofer sa tabi ko at tiningnan din ang nakasulat dito.

"Patay na siya."

Sabi pa niya ng makita niya rin ang salitang nakita ko.

"Edi maganda. Nabawasan tayo ng kalaban."

Masayang pagkasabi ni Lilith.

"Pero paano siya namatay? That powerful demigod, hindi basta-basta namamatay ang mga nilalang na gaya niya."

Sabi ko dahil hindi ko maisip kung paano namatay si Yadira ganung napakalakas niya.

"Huwag mo ng isipin iyan kapatid, magpasalamat na lang tayo at nawala ang kagaya niya."

Sabi na lamang sa akin ng aking kapatid.

Fallen: The Half Blood [COMPLETED]Where stories live. Discover now