Special Chapter - TMGP1

1.2K 24 1
                                    

Special Chapter :
The Mysterious Guy
Part 1
(Flashback)

Marco's POV

The name's Marco Smith. Not a normal highschool boy trying to be friends with other people. Hindi ako ganon kagaling sa pakikipagkaibigan. Hindi normal dahil marami akong problema, suliranin at mga mabibigat na pinagdaanan sa buhay. At dahil doon, madalas akong sentro ng tuksuhan sa madaling salita nabubully ako lagi.

Pero nag-iba ang lahat ng makilala ko ang aking mga bagong kaklase na si Allesa at Xyrra. They kind of mysterious girls that want all their personal informations to be secret to all. Until one day, hindi ko alam sa sarili ko kung bakit kinaibigan ko ang mga weird na 'to.

"Hi! Ako si Marco. Can we be friends? "

tanong ko sa kanila na ikinangiti nila.

"Well, it's not bad if we befriend with this guy."

sabi ni Xyrra kay Allesa.

"Baka magalit si ate Xiera!"

pabulong na sabi ni Allesa kay Xyrra na pakinig ko naman.

"Siguro naman kilala mo na kami dahil syempre 1 buwan na rin naman tayong magkakaklase. We are looking forward to us being friends. I hope we'll be good friends."

sabi sa akin ni Xyrra sabay abot ng kamay nito para makipagshake hands.

Tinangggap ko naman ito.

Ilang araw lang ang lumipas naging close na rin kaming tatlo. Lahat ng negative na nasabi ko tungkol sa kanila'y napawi. Tao rin naman sila, hindi perpekto na kayang gawin lahat ng ginagawa rin ng iba.

Nakakatuwa, parang nabuhayan ang school life ko dahil nagkaroon ako ng mga kaibigang katulad nila. Dahil sa kanila nakakalimutan ko lahat ng pinagdaanan at mga problema ko sa buhay.

Siguro kung hindi ko sila nakilala itutuloy ko na talaga ang balak kong magpakamatay.

"Oy Marco! Tara gala tayo!"

Pag-akit sa akin ni Xyrra. Nakasunod naman sa kanya si Allesa.

"Gala? Hindi ako pwede. Hindi ako pwedeng maggala."

Sabi ko naman sa kanila.
~Hindi talaga ako pwede baka matagpuan nila ako at patayin.

"Huh? Bakit naman? "
tanong sa akin ni Allesa.

"Ahhh.. Kasi.."

napigil ako sa pagsasalita ng nagsalita si Xyrra.

"Hay naku Marco! Ayaw mo lang talaga kaming makasama. Sige na nga! Alis na! Kalimutan mo na pagkakaibigan natin."

sabi niya na ikinabigla ko.

"What? No! Sasama na ako!"

sabi ko sa kanila.

"Wag na! Binibiro ka lang naman. Sige una na kami Bye!"

pagbibiro ni Xyrra sabay higit kay Allesa at tuluyan na nga silang umalis.

Fallen: The Half Blood [COMPLETED]Where stories live. Discover now