Chapter 18 - Yakap

1K 25 1
                                    

Chapter 18: Yakap

Rhan's POV

"Xy!" sigaw ko kay Xy ng makita ko siya sa isang grocery store.

Nakita niya ako pero bakit kaya hindi niya ako pinansin.

"Xy. Si Rhan oh. "
pagturo ng babaeng kasama ni Xy sa akin.

~Kahawigin siya ni Xy, posible kayang magkapatid sila?

Lumapit naman ako sa kanila. Pinansin naman ako sa wakas ni Xy pero iba ang ngiti niya sa akin na parang pinipilit niya lang.

"Bumibili ka rin pala dito? "
tanong ko kay Xy.

"Ah. Oo."
sagot sa akin ni Xy.

"You're Rhan Cortez right?" tanong naman sa akin ng babaeng kasama ni Xyrra.

"Yes po. And you are? "
Magalang kong pagkasabi.

"I'm Xiera Williams. Ate ni Xyrra." nakangiting sabi nito sa akin.

"Nice to meet you po."
sabi ko at inabot ang kamay ko para makipagshake hands.

Kumunot naman ang noo ni Xyrra kaya babawiin ko sana ang pagkaabot ng kamay ko ngunit tinanggap na kaagad ito ni ate Xiera.

Napatingin naman ako sa bandang kanan ng mapansin ang isang lalaking papalapit sa amin.

"Hi Clarence."
bati ko sa kanya na sinuklian lamang niya ng tipid na ngiti.

"Pati ba naman dito Rhan?" nagtitigan lamang kami sa kanyang tanong.

"Rence tara na sa counter."
pag-akit ni Xyrra kay Clarence at sumama naman ito. Sumunod naman ako sa kanila tutal magbabayad na rin ako ng aking pinamili.

~Hindi man lamang lumilingon itong dalawa sa akin.

Nakita ko namang nakahawak si Xyrra sa braso ni Clarence na ikinainis ko.

~Aba Rhan! Wag kang magseselos, hindi pa kayo ni Xyrra. Pati sadya namang ganyan si Xyrra kahit kanino.

Sabi ko sa sarili ko.

Nang makapagbayad na sila ay tumungo na sila sa may pintuan ng grocery store at umalis.

~Nakapagtataka. Hindi man lang si Xyrra nagsabi ng goodbye sa akin.

Ng tumingin ako sa may likod ay nakita kong nakatingin si ate Xiera na baka kanina pa nakatingin sa akin.

Umalis naman ito sa kinatatayuan niya ng mapansin ko siya.

~Hindi kaya dahil kay Xiera kaya ganoon ang kinikilos ni Xyrra?

.

..

Xyrra's POV

~Haist! Siguradong naghihintay ng goodbye si Rhan.

Naglalakad na kami ngayon ni Clarence pauwi sa bahay.

"Salamat talaga Clarence." napahigpit naman ako ng hawak sa braso niya kaya napalingon siya.

Fallen: The Half Blood [COMPLETED]Where stories live. Discover now