Chapter 16 - Chance

1.2K 23 1
                                    

Chapter 16: Chance

Xyrra's POV


Papasok na ako sa gate ng school ng may biglang lumapit sa akin.

"Magandang umaga Xy."
bati sa akin ni Rhan.

"Magandang umaga rin Rhan."
Pabalik kong pagbati sa kanya.

"Ako ng magdadala ng bag mo."
sabi niya at iniabot ko naman ang bag ko.

"Thanks."
maikli kong sagot.

Nakarating na kami sa room at pinagtitingnan naman kami ng mga kaklase namin.

"Kayo na pala?"
tanong ng isa sa mga kaklase kong chismosa.

"Huh? Hindi! Magkaibigan lang kami."

Sagot ko at nagpakita pa ng pagkadismaya ang mukha ng kaklase namin.

"Ahhh ganun ba."

~Haist! Isa ito sa dahilan kung bakit ayaw ko ring bigyan ng chance si Rhan.

Bigla namang pumasok sa room si Allesa.

"Allesa!? "
sigaw ko sa kanya. Napatingin naman ito sa akin at lumapit sa akin.

"Akala ko hindi mo ako papansinin? "
sabi ko habang nakangiti sa kanya.

"Syempre papansinin kita. Ano ka ba?"
napangiti na lamang kami sa isa't isa.

"Hi guys!"
nagulat naman kami sa pagbati sa amin ni Angel na kinawayan na lang namin.

"Hi Allesa! Kamusta na?"
pagbati naman ni Rhan kay Allesa na nakatungo lamang.

"Oo nga Allesa. Tagal mo na kaming hindi pinapansin ah." dagdag ni Reina.

"Ahh wala lang ako sa sarili ng mga nakaraang araw. Pero salamat sa tulong ng best friend ko, bumalik na ako sa wisyo."

sabi nito sabay akbay sa akin.

...

Lumipas ang ilang oras at naglunchbreak na kami. Dinala ulit ni Rhan ang bag ko papunta sa cafeteria.

"Rhan nakakahiya naman! Ako na ang magdadala."
pabulong kong sabi sa kanya.

"Don't be embarrassed Xy. Dahil kung mahal mo ang isang tao. Be proud! Hindi dapat ikahiya."
siniko ko na lamang siya na ikinatawa niya.

Napatigil kami sa paglalakad ng hinarap kami ni Clarence.

"Xyrra can I talk to you? "
sabi sa akin ni Rence na ikinatango ko lamang.

"Sunod na lang ako guys."
Pagpapaalam ko kayna Allesa.

Nakita ko naman ang seryosong mukha ni Rhan na nakatingin kay Clarence. Ganun din naman ang tingin ni Clarence sa kanya.

Nagtungo kami dito sa may ground ng school sa may lilim ng isang puno na may bench. Naupo kami roon.

"Umamin ka nga Xy. Nanliligaw sayo si Rhan, diba? "
tanong sa akin ni Clarence.

Hindi naman ako pwedeng magsinungaling dahil mababasa niya ang isipan ko.

"Oo. Pero pwede bang huwag mong sabihin kay ate Xiera."

Medyo nagmamakaawa kong tono ng pagsasalita kay Clarence

"Oo naman. Ikaw pa! Hindi kita kayang tiisin."

Fallen: The Half Blood [COMPLETED]Where stories live. Discover now