Chapter 47 - Plíris

1.3K 28 1
                                    

Chapter 47: Plíris

Angel's POV


Nandito kami ngayon ng mga angel warriors kasama si Lucas sa mundo ng mga mortal. Kasama rin namin ang mga exorcists upang masugpo ang mga demonyong at mga masasamang elemento na nakalaya sa impyerno dahil kay Lucia.

"Layuan mo ang katawan ng batang ito!"

Sigaw ng isa sa mga exorcist na kasama namin sa batang babaeng nakatali sa kama na nagwawala.

"HAHAHAHAHA Akin na ang katawan ng batang ito!"

Malademonyong tawa ng bata at sinabuyan naman namin siya ng asin kaya ito ay napahiyaw at lalong nagwala sa sakit.

"AAAAGGGGHHH! "

Hiyaw ng demonyo sa katawan ng bata habang patuloy lang namin itong sinasabuyan ng asin.

Sinuotan naman ito ng rosaryo ng isa sa mga exorcist at halos naging puti na ang mga mata nito at lalo lamang itong nagpumiglas.

"Hawakan niyo siya! Matatanggal na ang pagkatali niya! "

Sigaw ni Lucas ng mapansin niyang napipigtal na ang pagkatali nito sa kama.

Kaagad namang hinawakan ng mga angel warriors ang bata sa magkabilang kamay at paa.

"Sa ngalan ng Diyos. Pinapalayo ko ang demonyo sa katawan ng batang ito. Dinggin ng langit ang hiling ko..."

Pagdadasal ng isang exorcist habang hawak-hawak ang ulo ng bata.

"Maghanda kayo."

Sabi ko at inilabas ng ibang warriors ang kanilang espadang krus.

"Amen... "

Huling sabi ng exorcist at kaagad na lumabas ang masamang elemento sa katawan ng bata.

Kaagad naman namin itong pinagsasaksak gamit ang espadang krus. Humiyaw ito sa sakit at naglahong parang abo sa hangin.

"Ma?"

Nagising naman ang bata na parang walang alam sa mga nangyari.

"Anak!"

Sigaw ng ina at kaagad na sinalubong ng yakap ang anak.

"Salamat naman at ligtas ka na."

Sabi nito habang mangiyak-ngiyak na yakap ang anak.

"Salamat po sa inyo. Maraming salamat."

Pagpapasalamat ng tatay ng bata sa amin.

"Huwag po kayong magpasalamat sa amin. Sa panginoong Diyos po kayo magpasalamat at dininig niya ang ating mga panalangin."

Sabi ni Lucas at ngumiti na lamang ang ama ng bata bilang pagsang-ayon.

"Sige po. Tutuloy na po kami. Marami pang tao ang kailangan ng tulong namin at ng Panginoon."

Pagpapaalam namin sa pamilya ng bata at tumungo na sa iba pang nasasapian o 'di kaya ay inaatake ng masamang demonyo.

"Tulong!!!"

Sigaw ng isang babae 'di kalayuan sa amin.

Kaagad naman kaming nagtungo ng mga angel warriors sa kinaroroonan ng babae.

Tumambad naman sa amin ang isang takot na takot na babae na pinapalibutan ng tatlong mga mukhang manyak na lalake.

"Hoy! Kayong mga demonyo! "

Fallen: The Half Blood [COMPLETED]Where stories live. Discover now