Special Chapter - TMGP2

1.1K 21 1
                                    

Special Chapter :
The Mysterious Guy
Part 2

Marco's POV

"Mapapatay ka na rin namin Marco."

sabi ng isa sa gang.

"Sige patayin niyo na ako! Huwag lang ang mga kaibigan ko! "

sigaw ko sa kanila.

"Hahaha Duwag! Susuko ka rin pala bakit hindi pa noong una? " natatawang sabi nito sa akin.

"Hindi! Hindi tayo susuko!"

sabi ni Xyrra sa akin.

"Pero paano? Paano tayo lalaban? Kayo? Ni wala nga tayong armas 'di gaya nila na kanya-kanyang hawak ng baril at espada."

tanong ko sa kanya.

"Magtiwala ka lang sa amin Marco. Walang mangyayaring masama basta't magtiwala ka lang."

sabi naman sa akin ni Allesa.

"Ano ba?! Hindi ba kayo matatapos ng kakasalita diyan?!"

sigaw ng isa sa mga miyembro ng gang.

"Sana pagkatapos nito walang magbago."
pabulong na sabi ni Xyrra.

"Tapos na kayo!"
napapikit na lang ako sa dami ng mga sumugod at tinututok ang sandata nila sa amin.

"Huh!? Anong nangyari?"

"Nasaan na tayo?"

Nagtatakang pagkasabi ng mga miyembro ng gang.

Binuksan ko ang aking mga mata ng wala akong naramdamang tumama sa akin. Sa aking pagmulat nakita ko ang aking sarili sa ibang dimensyon.

Nakatayo sa ibabaw ng tubig at sa ilalim nito ang mga patay na pilit na inaabot ang ibabaw ng tubig. Natakot naman ang lahat sa nakikita nila.

"Manahimik kayo! Kahit nasaan man tayo kailangan nating mapatay si Marco. Kill him!"

sumugod na sila ngunit napatigil sila ng isang babaeng may sungay, pangil, matitilos na kukong kulay itim at pakpak na parang sa paniki.

"Allesa? "

sa aking pagtawag ay lumingon ang halimaw.

"Hindi. Hindi ito totoo siguro nanaginip lang ako."

napalingon ako sa kanan ko ng may magsalita.

"Thank you for sharing your past to us Marco. This is not a dream. This is our darkest secret. Sana magkaibigan pa rin tayo pagkatapos nito."

malungkot na sabi ni Xyrra.

Napatulala na lang ako sa pagpatay ni Allesa sa mga lalaking nakamaskara.

Pinangilabutan naman ako sa nakikita kong takot sa itsura ng mga pinapaslang ni Allesa.

"Please stop."
bulong ko.

Fallen: The Half Blood [COMPLETED]Where stories live. Discover now