Chapter 52 - Seremonya

389 13 1
                                    

Chapter 52 : Seremonya

Xiera's POV

Nagsimula na ngang maghanda ang lahat para sa nalalapit na matinding sagupaan.

Lahat ng angel warriors at mga demigods ay naririto upang lumaban sa mga demonyo.

"Ito na ang araw na lulusubin natin muli ang kuta ng mga demonyo at ng mga anak si Satanas. Nawa'y mapagtagumpayan natin ang digmaang ito. Gabayan at pagpalain nawa tayo ng Diyos. PARA SA KALIWANAGAN! PARA SA KABUTIHAN!"

Dalangin ni demigod Procopios kasama ang mga lulusob.

"PARA SA KALIWANAGAN! PARA SA KABUTIHAN!"

Sabay-sabay na sigaw ng lahat.

"LUSOB!"

Sigaw ni demigod Procopios kasama kami na sunod-sunod na pumasok sa isang malaking portal patungo sa kinaroroonan ng masasamang demonyo.

~Sana ay hindi kami mahuli ng dating. Hindi pwedeng mabuhay muli si Satanas.

...

Clarence's POV

Kaagad na nga kaming nagtungo nina Xyrra, Daevras, Flaga at Xavier sa throne room at nang makarating kami ay agad na bumungad sa amin ang lahat ng anak ni Satanas.

Isang twelve-pointed pentagram naman ang bumungad sa amin na nakaguhit sa sahig sa throne room.

Malawak ang pagkaguhit nito at sa tingin ko ay sa loob nito lalabas si Satanas.

"Pumwesto na kayo sa bawat dulo ng pentagram. Xyrra dito ka pumwesto."

Sabi ni Lucia at pumwesto na nga ang lahat sa kani-kanilang kalalagyan maliban sa akin na nakatayo lamang dito sa gilod habang pinapanood sila.

"Clarence what ever happened, don't go outside this room without us. Kaya na ni Xavier at ng mga alagad namin sila. Hindi rin ito magtatagal ng sobra."

Pagpapaalala sa akin ni Lucilofer at nagsimula na nga sila sa paglalabas ng lahat nilang kapangyarihan.

Matahimik lang sa labas ng palasyo. Ngunit parang may mali.

~Bakit wala pa ang mga demigods? Dapat ngayon ay nandito na sila.

"Μαγικές δυνάμεις,
Μαύρο και άσπρο,
Φτάνοντας μέσα από το χώρο και το φως,
Να είναι μακριά ή να είναι κοντά,
Φέρτε μας τον Σατανά Lucifer εδώ."

Magikés dynámeis,
Mávro kai áspro,
Ftánontas mésa apó to chóro kai to fos,
Na eínai makriá í na eínai kontá,
Férte mas ton Sataná Lucifer edó.

Magic forces,
Black and white,
Reaching out through space and light
Be he far or be he near,
Bring us Satan Lucifer here.

Pagchant nila ng paulit-ulit at itinapat ang kanilang palad sa gitna ng pentagram.

Nakakatakot ang kapangyarihang mararamdaman hindi lang sa mga anak ni Satanas kundi sa kapangyarihan mismo ni Satanas na paunti-unting lumalabas dito.

~Bakit kaya ang tagal ng mga yun? Ano bang nangyayari talaga?

Bigla na lamang nagitak ang lupa na nasa gitna ng pentagram at katakot-takot at nakakapanglaw ang isang itim at pulang kapangyarihan mula rito.

Fallen: The Half Blood [COMPLETED]Where stories live. Discover now