Chapter 4 - Anyo

2.5K 55 4
                                    

Chapter 4 : Anyo

Xavier's POV

Abala ako sa pag-eensayo dito sa training ground.

Marami ding nag-eensayo ditong mga kawal at bagong kawal. Meron ding mga batang gustong matuto makipaglaban kahit bawal naman talaga.

"Ikaw bata ka! Hindi ka na naman pumasok! "

sigaw ng isang ina ng matagpuan ang kanyang anak dito.

Napingot nito ang bata kaya napaiyak ito. Agad ko naman silang nilapitan.

"Mahal na prinsepe! "

pagbati sa akin sabay tungo ng ina ng bata.

Tumungo rin ako na may paggalang at saka humarap sa bata.

"Gusto mo ba talagang maging kawal?"

mahinahong tanong ko sa bata.

"Opo. Gusto ko po kasing mailigtas ang papa kong nabihag ng mga anghel. "

sabi nito habang umiiyak.

Nakita ko naman ang napapaiyak na rin nitong ina.

"Maganda ang iyong hangarin pero kailangan mong sundin ang mama mo. Ikaw na lang din ang poprotekta sa mama mo kaya huwag mo na siyang suwayin."

nakangiti kong sabi sa bata.

"Pati, kung ipapagpatuloy mo ang pag-aaral mo. Hindi ka lang basta magiging kawal. Magiging isang mataas na ranggo ka rin ng kawal"

Dagdag ko na ikinangiti na ng bata.

"Sige po mahal na prinsepe. Maraming salamat po. "

pagpapaalam sa akin ng ina ng bata at umalis na nga sila ng bata.

~Kailan ko kaya ulit makikita si mama? Nakakamiss na rin siya.

Isip ko habang nakikita ang mag-inang masayang umalis sa loob ng palasyo.

~Makapunta na nga lang kay papa. Gusto kong makipaglaro.
Baby pa naman ako eh. Tutal bunso naman ako. Pero syempre prinsepe pa rin ako kaya kailangan kong maging isang ganap na binata sa harap nila at i-deny na baby pa talaga ako.


Tinahak ko na nga ang daan papunta sa silid tanggapan ni papa.

Wala na ngayon sina ate Xiera at ate Xyrra sa palasyo, ganun na rin ang iba pa sa mga bagong henerasyon.

Isa dapat ako sa kanila ngunit sabi ni dad, hindi pa daw ito ang tamang oras, masyado pa raw akong bata.

~Haist! Kaya gusto ko na talaga na magmatured kaaagad para hindi ako mahiwalay kayna ate.

Vector's POV


Tinititigan ko ngayon ang napakagandang tanawin na nakikita ko sa bintana ng aking silid tanggapan.

Iniharap ko na dito ang aking upuan habang hinihigop ang kakarating lang na kape na dala ng isa sa mga katulong.

~Kamusta na kaya ang aking mga anak? Sana'y walang mangyaring masama sa kanila. Hindi dapat sila matagpuan ng mga demigods.

Bumukas ang pinto at inuluwal nito ang bunso kong anak na si Xavier.

"Dad laro tayo! "

sabi nito habang hinihila ang aking damit.

Ibinaba ko naman sa aking lamesa ang aking kapeng hawak-hawak at kinarga ito.

"Gusto mo na bang sumunod sa mga ate mo?"

Tanong ko dito at kitang-kita ko ang pagngiti niya.

"Oo naman dad! Ang boring-boring kaya dito sa palasyo."

Sabi nito na nakanguso pa.

"Boring?"

Tanong ko at kiniliti ito sa beywang.

"Dad! Stop!"

Sabi niya habang nilalabanan ang pangingiliti ko.

"Dad naman eh! "

Dahil sa sobrang kiliti nito ay biglang nagbago ang kanyang anyo.

May mahahaba itong sungay, may pakpak na parang sa paniki, mahaba ang tainga na parang mga duwende, may buntot at mahahabang pangil na parang sa demonyo.

"Akala ko ba'y marunong ka ng kontrolin ang yong kapangyarihan? "

tanong ko sa kanya.

"Dad bata pa naman ako. Pati ako naman ang pinakaunang nagpalit ng anyo sa murang edad pa lamang."

Pag-angal nito sa akin.

Si Xavier ang pinakamaagang nagpalit ng anyo sa mga bagong henerasyon. Ang normal na edad ng pagpapalit ng anyo ay mga nasa 15 taong gulang pataas. Apat pa lamang ng siya'y nagpalit ng anyo.

Si Xavier ngayon ay anim na taong gulang na. Si Xiera naman ay 21 taong gulang na ngayon at siya naman ay nagpalit ng anyo ng siya'y anim na taong gulang na. Pero ang kahanga-hanga kay Xiera ay nakontrol n'ya kaagad ang kanyang kapangyarihan 'di tulad ni Xavier. At si Xyrra naman ay 'di pa nagpapalit ng anyo. Magla-labinglimang taong gulang palang si Xyrra ngayon kaya't pinababantayan ko siyang mabuti kay Xiera.

Magkaiba ang anyo nina Xiera at Xyrra kay Xavier. Siguro dahil na rin sa magkaiba ang kanilang ina.
Si Xiera ay mana sa kanyang ina, ganun na rin ang kanyang kaanyuan. Si Xyrra naman ay nagmana sa akin ngunit di pa namin alam kung ano ang kaanyuan n'ya.

Xavier's POV

Pinipilit kong bumalik sa pagkatao kong anyo. Nagawa ko naman ito ngunit tumagal ako ng isang minuto. Pinapanood lang ako ni papa sa aking ginagawa.

"Makakasunod ka ba talaga sa mga ate mo kung ganyan ka? "

tanong sa akin ni papa.

"Yes dad! Wag po kayong mag-alala mag-eensayo na po ako sa pagkontrol ng aking kapangyarihan para naman hindi ako maging pabigat kay ate Xiera. Hirap na nga po siya kay ate Xyrra."

sabi ko kay papa.

"Sige aasahan ko yan Baby Xave. "

natutuwang sabi ni papa.

"Papa naman! Hindi na ako baby at tigilan niyo na nga po pagtawag sa akin ng Xave. Hindi naman ako tagapagligtas at hindi ko naman po kailangan ng tagapagligtas. "

sabi ko sabay alis sa silid tanggapan ni papa na naririnig kong tumatawa.

~Hay buhay! Makapag-ensayo na nga lang ulit. Tutal sobra-sobra ang pangbe-baby at pang-uulit sa akin ni papa.

Sabi ko sa aking isip at tumungo na muli sa training ground ng palasyo.

...

Read. Vote. Comment

Fallen: The Half Blood [COMPLETED]Where stories live. Discover now