Chapter 41 - Retreat

862 17 12
                                    

Chapter 41 : Retreat

Xiera's POV


Nakalabas na kami ng palasyo ni Lucas ngunit wala na sina dad at ang mga demigod.

"Clarence..."

Pagtawag ko kay Clarence na inilapag na muna namin sa lupa.

Tiningnan naman ni Lucas ang pulso nito. Tumagal pa ito ng sampung segundo ng magsalita si Lucas.

"Buhay pa siya."

Sabi ni Lucas at kaagad ko itong tiningnan.

"Clarence please wake up."

Sabi ko at bigla na lamang dumating si Marco sa harapan namin.

"Painomin mo siya nito."

Pag-utos sa akin ni Marco na kinunotan ko pa ng noo.

"Dali na. Kung gusto mo pa siyang mabuhay."

Sabi niya at tinanggap ko na ang asul na likidong ibinigay niya sa akin.

"I must go."

Sabi nito at sinimulan ng lumakad palayo.

"Wait! Saan ka naman pupunta?"

Tanong ko dito na ikinatigil niya ng saglit at lumingon ng bahagya.

"Somewhere."

Ang tangi niyang sinabi at nagpatuloy muli sa paglalakad.

"Somewhere? Alam kong may kinalaman ka sa mga nangyayaring ito. You can't just leave without explaining."

Medyo napalakad na ako papunta kay Marco dahil sa inis ko sa kanya.

"Promise. I'll be back. When everything's okay."

Sabi niya at may pahinto-hinto effect pang nalalaman sa paglalakad.

"Everything's okay? Kailan Marco!?"

Tanong ko at patuloy lamang itong naglakad hanggabg sa hindi ko na ito makita matapos lumampas ito sa makakapal na usok dulot ng digmaan.

"Marco!"

Sigaw ko ngunit wala akong natanggap na tugon.

"Aghh!"

Bumalik na lamang ako kay Lucas at pinainom na kay Clarence ang asul na likidong ibinigay sa akin ni Marco.

"Clarence. Please wake up. We need you. Xyrra needs you."

Pagmamakaawa kong sabi sa kanya pagkatapos kong painomin siya.

Bigla namang nawala ang mga sugat matapos ang ilang segundo.

*coughs*

Umubo naman si Clarence na ikinangiti ko.

Minulat nito ang kanyang mga mata at napabalikwas sa paghiga ng makita si Lucas.

"You!"

Agad naman niya itong sinugod ng tiik kaya nahirapan sa paghinga si Lucas.

"Where's Xyrra?"

Galit na tanong dito ni Clarence.

"Clarence calm down. Ikukuwento niya sa atin. Pero huwag mo na nunang pahirapan pa ang sitwasyon dito."

Pagpapakalma ko sa kanya.
Binitawan naman niya sa pagkatiik si Lucas at tinapunan na lang ito ng masamang tingin.

"Nasaan ba si Xyrra?"

Fallen: The Half Blood [COMPLETED]Where stories live. Discover now