Chapter 14 - Confession

1.2K 26 1
                                    

Chapter 14: Confession

Rhan's POV

Ito na yun! Ang araw na pinakahihintay ko. Magko-confess na ako kay Xyrra.

Pagod na akong itago ang lahat ng aking nararamdaman para sa kanya. Umaasa ako sa nalakap na impormasyon ni Reina na posibleng may chance ako para kay Xyrra.

"Xyrra pwede bang makausap ka pagkatapos ng klase? "

tanong ko sa kanya.

"Sure! "

maikling sagot niya.

"Reina, ito na yun! "

pasigaw kong bulong kay Reina na tuwang-tuwa. Nahagip naman ng aking mga mata si Allesa na nakatingin sa akin.

Kaya't tiningnan ko siya ngunit pagkatingin ko sa kanya ay agad naman niyang inalis ang tingin niya sa akin.

~Ano bang problema niya? Kanina pa siya 'di namamansin kahit kay Xyrra.

...

Xyrra's POV

Tapos na ang klase at dinala ako ni Rhan sa lugar na maunti lamang ang taong dumadaan.

"Rhan ano palang sasabihin mo? "

tanong ko sa kanya.

"Xyrra huwag ka sanang magbibigla."

wala akong ideya sa sasabihin niya kaya tahimik at atebtibo akong nakikinig sa lahat ng sinasabi niya.

"Xyrra. Gusto kita... "

Nakapikit pa niyang sabi na para bang humugot pa ng lakas.

Wala akong nasabi sa mga napakinggan ko. Pinaulit ko na lamang ito kay Rhan dahil nabigla talaga ako sa sinabi niya.

"Paulit nga Rhan."

Sabi ko sa kanya at nakita ko na medyo nangamba siya dahil sa pagpapaulit ko ng sinabi niya.

"Ang sabi ko gusto kita Xy. Hindi lang gusto kundi mahal kita Xy. Ikaw lang ang nagparamdam sa akin ng ganito. Kahit kailan wala pa akong iniibig kundi ikaw pa lang. "

Sabi niya at itinikom pa ng maayos ang bibig pagkatapos niyang magsalita. Lalo naman akong hindi nakaimik sa kanyang mga sinabi.

"Alam ko Xy na baka pagkatapos nito ay hindi mo na ako pansinin pero sana naman ay bigyan mo ako ng tsansa na patunayan sayo na mahal na mahal kita."

Sabi nito na para bang nagmamakaawa.

"Bulag ka ba Rhan? Hindi mo ako kilala, hindi mo nga kilala ang totoong pagkatao ko. Ni hindi mo nga alam ang pangalan ng magulang ko. Hindi tayo pwede Rhan kahit saang anggulo pa natin tingnan."

Fallen: The Half Blood [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon