A-9

193 10 0
                                    

Because you're here

Nagising ako sa sinag ng araw na nakatapat sa akin dahil sa bukas ng bintana. Mapabangon ako sa aking kama, wala si Raze wala din ang mga gamit nito. Dali dali kong sinuot ang aking damit at lumabas ng kwarto.

Rinig ko ingay sa kusina. Nandoon si Raze nagluluto ng pagkain.

"Ash! Gising ka pala Kain na tayo" Aniya habang hinahanda ang niluto niya sa mesa. Nakangiti itong nakatingin sa akin habang binibigay sa akin ang kutsara at tinidor. Tinampal ko ang kamay niyo dahil kakain na siya.

"Pray" sabi ko. I used to pray and thanks to God to all the blessings na natatanggap ko.

"Amen" sabay naming sabi. Kumuha kami ng kanya kanya naming mga ulam. Nao-awkward ako sa harapan niya pero siya todo makangiti.

"What's with that smile, huh?" Sumimsim ako ng kape ko, mas naging todo ang ngiti nitong ibinigay sa akin.

"Nothing important,......that night?" then he laughed. Baliw!

Uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi niya kailangan niya pa bang sabihin yun.

"Past is past" hindi ko pa nagagalaw ang pagkain ko sa pinggan ko dahil sa pinagsasabi niya.

"Okey!...wait! No!" I looked him like a devil. Ginaya niya ba naman kasi yung sinabi ko kagabi saka yung the way na pagkasabi ko.

"Last na yun, bayad na ako sa utang ko sayo" sumubo ako ang pagkain  at ang sarap ng pagkakaluto parang  mamahaling pagkain sa isang French restaurant.

"Wait! Diba hindi kasi mo alam magluto?" Ibig sabihin pinain niya lang yung ginawa niya kagabi! Pero imibis na sagutin niya ang tanong ko ay tumayo siya at kumuha ng tubig.

"Debt? Saan?" Tanong niya habang nakatalikod sa akin na nagsasalin ng tubig sa baso.

"Kay Carlo-" he looked tough when I say the name of Carlos.

"Okey fine" he turn to a cold one.

Umuwi na din si Raze pagkatapos niyang kumain. Day off ko ngayon at nandito nagmumukmok sa harap ng TV. Kinuha ko yung frame ni Mama.

"Ma, nasaktan ko ata si Raze?"

"Bat naman yun masasaktan diba?"

"Oo, tama ako diba Ma? Makakahanap din yun ng ibang babae"

"Tsk. Kainis naman Ma eh" inihiga ko ang sarili ko sa sofa at inilagay sa dibdib ko ang frame ni Mama.

"Ma! Bakit ako nagkakaganito?" Napabalikwas ako sa sofa kaya nahulog tuloy ako at unang bumagsak ang mukha ko.

"Wag lang mag-isip ng ganyan Ash! Wag!

Napagpasyahan kong mamasyal na lang para maalis yung mga iniisip ko. Malamig ang paligid kaya balot na balot ako ng damit. Nag window shopping ng mag-isa, kumain sa fast food ng mag-isa, nag-sine mag-isa, naglakad ng mag-isa, umupo ng mag-isa. Kaya napagpasyahan ko na lang na umuwi.

Pero habang naglalakad ako nakita ko si Raze sa isang boutique may kasamang babae.

"Ngayon Ash nasagot na ang tanong mo" mapait kong sabi sa sarili ko. Uuwi na sana ako pero naalala kong may bibilhin din pala ako sa isang boutique na katapat lamang nun.

"Good morning Maam!"

"I'm not mourning, Miss. Hindi ako nagdadalamhati" gigil kong sabi sa kanya kaya natawa siya.

"I mean, magadang umaga po" then she laughed napapahiya naman ako ng tumango sa kanya.

Pumunta ako sa women's section malapit na kasi ang birthday ni Denny at may nakita akong dress na bagay sa kanya.

Stripped | Raze×Ash  #PrimoAwards2018Onde histórias criam vida. Descubra agora