A-24

108 6 9
                                    

Meeting

Wala talaga siyang text. Naiiyak na ako dahil bumabalik na naman 'yong kanina.

"Dito ka nalang matulog, Bakla! Naiirita ako sa Jelo na 'yon. Pabida!" tinapunan niya nang tingin si Jelo.

"The more you hate, the more you love"

Nangingkit ang mata niyang nakatingin sa akin.

"May problema ka 'no? Sabihin mo nga sa..." humina ang boses niya "akin. Umuwi kana. Bye!" 'Tsaka iniwan na niya ako sa labas.

Pinigilan kong himiyaw nang malakas dahil sa isang imahe ng bumungad pagkatalikod ko.

"Sorry" he said.

I nodded as I pressed the part of my chest. Nagulat talaga ako.

Palagi akong napapatingin kay Raze 'pag bumubuntong hininga siya. Napagod ba siya? Hinintay niya ba ako? ilang oras din 'yon. Baka naman may iba siyang ginawa? Sinabi niya kanina na pupunta siya sa condominium ko ang akala ko talaga ay madadatnan ko siya doon.

"Sana hindi mo na nalang ako hinintay"

"Gusto ko rin naman"

"Bakit di mo pinuntahan 'yong meeting? Diba importante 'yon?"

"Important but you are more important" tumingin siya sa akin. I nodded. Nag-iwas na din ako nang malungkot kong mga mata.

Bakit hindi niya pa sinasabi 'yong babae. Dapat ba ako ang magsasabi na may nakita akong babae kanina?

I'm fragile. Mahina ako sa ganito pero baka naman kasi hindi na importante kaya hindi niya sinasabi.

Hay! Nababaliw na ako. Ano ba talaga isip at puso?

Nagpatuloy ako sa araw araw kong buhay. Nabubuhay na parang walang nangyari. Hindi na ako nagmamadali sa trabaho ko para makapunta sa opisina niya kaya siya lagi ang sumusundo sa akin. Nanghihina at lalong lumalala ang paghihinala ko.

Inaya niya ako sa bahay niya ngayong gabi ng linggo. Pero I don't insist na mag-oo pa.

We eat in a fine dining restaurant bago umuwi. Konti lang ang tao at mukha mga mayayaman talaga. Mayaman talaga.

Iginaya kami ng waiter na lalaki sa isang mesa na malayo sa mga taong kumakain.

"Champagne sir?" Anong ng waiter.

"Please" tumango si Raze. Umalis ang waiter ng hindi man lang tinatanong kung anong order namin.

Ilang sandali ay bumalik na 'yong waiter na may kasamahan at dahal mga pagkain.

"Nag-reserve ka?"

"Yes. May gusto ka pa bang kainin?"

"Wala naman"

His phone beep. Tinignan niya lang iyon at kinausap ulit ko pero tumunog na ito. May tawag. Sino naman kaya 'yan?

Kinuha niya 'yon at tumayo.

"Sandali lang. I'll just-"

"Okey lang. C-cr lang din ako" epic dahil ako pa ang unang umalis sa mesa namin.

Hindi pa ako nakakaapak sa cr tumulo na 'yong luhang pinipigilan ko.

Nahihirapan akong huminga. Bakit kailangan niya pang umalis? Pang ilang beses na 'yon sa linggong ito. Noon naman hindi. Hindi siya umaalis o di kaya ay palatayin niya. Selfish ba ako? Selfish kasi dapat ako lang.

"Medyo madaming tao kaya natagalan ako" naglabas ako nang kaonting tawa. Mag make up ako nang kaonti para takpan ang dapat takpan.

"Mas gusto mo ba ang classic or modern...theme" then he sip his wine. Direktang nakatingin sa mata mo kinuha ko 'yong tubig para iwasan iyon.

Stripped | Raze×Ash  #PrimoAwards2018Where stories live. Discover now