A-22

102 6 3
                                    

Caught

Isang oras o sabihin na nating walang isang oras na nagtagal kami sa club na iyon. Lasing na si Denny nang nakarating kami roon.

"Sorry, Ash. Alam mo namang medyo busy ako. Pero ang alam ko ala sais pa siya nandito." saka niya tinapunan ng tingin si Denny "I heard kasayaw niya si Hero kanina. May problema 'yang best friend mo" marami pa siya sinabi.

"Thank you, Canny" nagbeso kami. Nagpaalam nalang ako nang biglang sumuka si Denny.

Dinaluhan ko siya. Dahil sa inis ko kinurot ko siya sa tagiliran niya. Hindi niya naman yun mararamdaman dahil deathbats na siya.

Hinanap ko si Raze sa kumpol ng mga tao. Kahit madilim ay kita ko siya na nakaupo sa sulok. Anb alam niya siguro ay magtatagal kami riyo sa Queen. Iniwan kp muna si Denny doon sa may sofa. Hindi naman na siguro siya makakapagkalat.

Tumungo ako kay Raze. Kahit sa dilim ng paligid ay naaninag kp ang isang balinkinitang babae na papunta sa kanya. Tinapik nito ang braso niya Raze at kita ang gulat sa mata si Raze. Nagbeso sila.

Papalapit ako ng papalapit ay lantad na lantad ang kagandahan ng babae. Tinignan ko si Denny kung saan ko siya iniwan. Hindi ko siya kayang iuwi. Napailing na lamang ako at nagpatuloy patungo sa mesa ni Raze. Bahala na!

Napatingin sa akin ang babae. Ang akala ko ay susungitan niya ako o kung ano pero nanlaki ang mata niya at napahawak pa sa bibig niya. He laughed lie a evil witch.

"Natalie! Ang akala ko ba nasa ibang bansa ka?" Marahan akong napatigil sa paglalakad. Natalie? Yeah, yun ba yung ex-girlfrind ni Raze.

"Hindi siya si Natalie" sa boses palang ni Raze at sa dilim ng mata niya ay kita mo na ang galit rito. Napalunok na lamang ako saka nagpatuloy sa direksyon nila.

"Ash Elivado" naglahad ako ng kamay sa kanya. Tinanggap niya naman agad iyon.

"I thought..." Lumipat ang tingin niya kay Raze bago niya ako pinagtuunan ng pansin at ngumiti "You're quite resemblance-"

"Stop it, Meg" mababang boses na sabi ng babae.

"Okey! Okey!" Nagtaas siya ng kamay bilang pagsuko " pag malayo...pero iba pala." she laughed again "By the way, I'm Meg. Raze not so close friend" 'tsaka siya humagikhik nang mahina.

"Punta na muna kayo sa table. Miss kana ng barkada Raze"

"No need," bumaling si Raze sa akin "What happened?"

"Uhmmm...si Denny kasi...pero okey lang kung sumama ka muna sa mga kaibigan mo" sabi habang mahigpit na hinahawakan nang mahigpit ang kamay ko. Kakayanin ko naman sigurong iuwi si Denny. Hihilahin ko nalang ang buhok niya o kaya yung ulo niya muna ang iuwi ko sunod na ang ibang parte ng katawan niya.

"No need, Meg. Uuwi na kami ni Ash" nilapitan ako niya ako 'tsaka hinila palayo kay Meg. Nilingon ko si Meg. Natatawa siyang kumaway sa 'kin.

"Next time kaya? Isama mo si Nata--- Oh! Siya" Ngumiti ako pabalik sa kanya ewan ko lang kung nakita niya 'yon. Hindi niya ako natandaan.

Nasa loob na kami ng sasakyan niya. Nasa backseat ako para alalayan si Denny. Pag napapansin kong nasusuka siya ay inilalagay ko ang isang paper bag sa bunganga niya.

"Party! Party!" Pa simple at walang sigla niyang itinaas ang kamay niyang malamya. Sinipat ko ito at inilagay nalang sa hita niya.

"I'm so sorry, Iha" bungad ni tita sa akin. Nakaputing bistida ang mama niya na mukhang matutulog na sa likod nito na papunta naman sa amin ay ang kanyang papa na kunot noong kinuha si Denny sa akin...kahit na ang totoo ay nasa lupa na siya, nakasayad.

Stripped | Raze×Ash  #PrimoAwards2018Where stories live. Discover now