A-30

109 4 9
                                    

Stay

Kahit nanghihina ako sa presensya niya ay buong lakas ko siya itinulak.

Ang full moon ang nagbibigay liwanag para makita ko ag mukha niya. Pilit niya akong inaabot kaya agad din akong lumalayo. Mabilis ang paghinga ko habang matalim ko siyang tinitignan.

Galit ako. Galit ako sa sarili ko dahil hanggang ngayon...akala ko wala na pero habang makikita ko siya sa harapan ko ay hindi magkamayaw ang tink ng puso ko. Sinuntok suntok ko ito ng mahina para maibsan man lamang pero walang silbi.

Hinawi ko ang kamay ni Raze na napahawak sa aking siko.

"Anong akala mo sa akin, magpapakamatay?" Mapait kong sambit 'tsaka siya nilagpasan.

"Ash"

"'Wag ka ng magpapakita sa akin" Malalaki ang hakbang ko. Kinuha ko agad ang sapatos ko at sinuot ang tsinelas.

Sa harapan ng salamin, tinitignan ko ang repleksyon kong nakakunot ang noo at matatalim ang mga mata.

"Natakot ko kaya sa mukhang ito?" Ginulo gulo ko ang buhok ko at sumalampak sa kama ko.

"Mukhang hindi na naman ako makakatulog sa gabing ito."

"Bakit hindi ka makakatulog? Aber!"

"Kasi nandito siya?"

"At siguradong may kasama siyang iba at hindi ikaw ang sadya niya nagkataon lamang 'yon."

"Oo, nagtaon lamang 'yon. Aalis na ako bukas sa island na 'to."

"At bakit ka aalis? Pinapakita mo lang na nabibitter ka at hindi ka pa nakamove on."

"Eh hindi pa naman ako nakaka-"

"Tapos ipapahalata mo pa? Lalaki ang ulo non. May Natalie na siya at ikaw si tanga sinaktan ka na nga tapos mahal mo pa. Maraming bagay na dapat ay kamuhian mo siya. Naglihim siya, kumaliwa siya, sinaktan ka niya, wala siyang ginawa at...at...ang totoo hindi ka niya mahal"

Tama nga ang sabi sa mga studies tungkol sa mga babae na paibaiba ang isip. Sa dami ng iniisip ay naguguluhan na sila 'di tulad ng mga lalaki isang bagsakan kung 'oo' o 'hindi'. Tayong mga babae madami dami pang 'why?' meron din namang iilan na ganyan pero karamihan ganon.

Gustong gusto ko pang matulog pero mulat na mulat na ang mata ko. Hinipan ko ang buhok kong nasa mukha ko pero bumagsak din ito agad habang naglalakad papunta sa cr at hawak hawak ang tuwalya na sumasayad na sa sahig.

Nagsuot ako ng hanging shirt, short shorts at long jacket hanggang tuhod at nakapangloob ako ng puting two piece. Bibili ako mamaya ng sunglass at sumbrero.

Wala pamg gaanong bukas na kainan buti nalang at may maliit na restaurant ang kabubukas.Usual na almusal lang ang binili ko at isang espresso. Tumingin ako sa paligid, isang tipikal na kainan ito hindi tulad ng malalaking kainan na kakompetensya nila.

"Meron pa po kayong idadagdag miss?"

"Wala na,"

"Okey, wait for five minutes miss," ngumiti ito at sinabi sa loob ang order ko.

Nagtalikod ko ay may lalaki ng nagbabasa ng magazine na nakatakip sa mukha at may kape na rin sa mesa nito.

"Bakit siya nandito?"

Kamay niya pa lang alam ko na. Maliit lang ang espasyo ng kainan kaya kahit anong pwesto ko sa pwesto niya ay nakikita ko parin siya. I shifted my position when he lower his newspaper.

"Eto na po ang order niyo, Ser " matigas na pagkakasabi ni ate sa Sir. Matapang ko siyang tinignan. Inayos niya ang pagkakaupo at ang gulo niyang buhok. Nag-iwas ako then I scan that abstract paintings in the wall. Kahit anong titig ko doon hindi ko malaman kung anong ibig sabihin ng mga paintings. Parang natapon lang naman na mga pintura. Bakit ba ang tagal ng order ko.

Stripped | Raze×Ash  #PrimoAwards2018Donde viven las historias. Descúbrelo ahora