A-25

103 5 3
                                    

Myself

"Miss hindi na po makita ang contractor. And hindi po siya naka-register"

Ang daming problema nakakainis. Ang inventory ng kumpanya ay dumadami dahil sa mga returns pati na rin sa wearhouse ay nagkakaproblema. At ang sinisisi ay kami...may karapatan naman siyang magalit dahil hindi namin inayos ng mabuti ang trabaho namin.

Umalis kami ni Helene sa building at kasama ko siyang pumunta kay Raze. Inaamin ko hindi na ako nagpapaka-professional pero eto lang talaga ang naisip kong paraan. May mga bagay o oras talaga na kailangan ko ang bulong ng ibag tao.

Pag-apak ko building nila ay ibang kaba ang nadarama ko.

"Miss, okey ka lang po?" Untag ni Helene. Ngumiti ako. Nagpatuloy kami papuntang opisina niya pero wala siya. Hindi pa ba siya nakakauwi?

"Mr. Montebello? Pumunta ata ng canteen." turan ng isang lalaki na nasa mid 30's. "Ahhh...sa baba lang 'yon" mukhang nalaman niya na hindi ko alam kung saan banda.

"Miss," napatingin so kay Helene. May kaba sa mga mata niya."'Yong anak ko po kasi..." Naluluha na siya "dinala sa hospital. Umatake na naman po 'yong sakit niya"

Ang mga mata ng isang ina. Ang pag-aalala nila talaga ay walang katumbas.

Hinayaan ko nalang si Helene na puntahan ang anak niya. Konsensya ko pa ang bawat hikbi niya. Kaya ko naman siguro to.

Papunta ko sa kantina nila ay wala naman akong makita ng Raze. Napapatingin ang mga ibang empleyado sa akin minsan minsan.

Sa isang valley papuntang elevator. I saw again the girl. 'Yong babaeng nakita ko nung isang linggo. Anong ginagawa niya dito? Baa nga empleyado lang siya dito.

Pumasok siya sa isang medyo malaking opisina at sa di inaasahan ay bumukas din ulit ang pinto.

Ang babae... at si Raze ang lumabas. Ilang habang ginawa nila bago tuluyang niyakap ng babae si Raze at agaran nitong hinalikan.

Nanlamig ang kalamnan ko. Sa sakit ay napapikit nalang ako.Parang may malaking bato na nakabara sa lalamunan ko.

Eto na ba 'yon? Yung katotohanan. Tanga ka! Tanga ka Ash! Kahit pigilan ko ang hikbi ay kumakawalan parin.

Gusto kong tumakbo pero nanghihina ang tuhod ko. Gusto kong sumigaw pero wala akong lakas. Dahan dahan akong lumapit sa kanila. Lakas nang loob Ash! Lakas nang loob ang kailangan mo ngayon. Kung palagi kaang mahina at ipapakita na mahina ka walang nangyayari sa buhay mo.

"Naka-uhm..." hindi ko alam ang sasabihin ko. Gusto ko silang pagsusuntukin, pagsasalpalin at pahpapatayin. Itinulak agad ni Raze ang babae na pilit parin siyang niyayakap.

"It's not what you think, baby" lumapit siya sa akin. Pero ayaw tanggakin ng babae ang yakap niya "Lumayo ka nga sa 'kin, Natalie!"

Mas lalong gumuho ang sira kong pag-iisip. Natalie? 'Yong dati niyang kasintahan?

Ex girlfriend. Kahit ni minsan ay hindi ako nagtangkang itanong sa kanya si Natalie at wala ni isang kwento din ang nabanggit niya sa akin.

Kahit nanginginig ay mabilis ko silang tinalikuran at naglakad papalayo sa kanila.

Paulit-ulit na nag-eecho sa tenga ko ang pangalang Natalie. Bumalik na pala siya at wala akong kaalam alam.

Hinawakan ni Raze ang paluspusan ko pero malakas ko itong hinatak. Ayaw ko siyang pakinggan. Mga sarili kong mga mata na ang nakakita and the fact that she with Natalie, his ex! Wala namang masama kasi ex na sila pero ang naka yakap ang isa sa kanila... hindi ko na talagang kaya Fvck! Akala ko kakayanin kong maging matapang... nagmamatapang lang pala ako.

"Pakinggan ko muna ako," pagsusumamo niya. Nasa kalsada na kami.

"Tang*na! Ano pang papakinggan ko? Nakita kita..kayo! Naghahalikan. Ayaw muna kitang makita! Hindi! Ayaw na kita nang makita"

"Please, ash" niyakap niya ako mula sa likuran. Puro pagkamuhi na ang nararamdaman ko sa kanya.

"Bigyan mo muna ako nang oras na mapag-isa. Please"

Gulong-gulo ang isipan ko. Problema sa opisina, problema sa pag-ibig.

Bumalik ako sa opisina. Hindi na gaano frustrated ang mga mukha ng kasama ko. Isang oras dun akong nagmukmok sa labas bago pumunta dito.

"Natrack na 'umyong contractor at may nakuha na rin kaming legit na pwedeng pumalit doon"

"Good, job well done"

Umuwi ako sa condominium, kararating ko lang pagkatapos kong pumunta sa bahay ni Denny. Ilang text ang natanggap ko sa kanya. Sa inis ko ay binato ko ito sa pader.

Napaupo ako...niyakap ko ang nanginginig kong mga binti. Iyak nalang ba ang kaya kong gawin 'pag may mga bagay na ganito ang nangyayari sa buhay ko? Iiyak nalang ba ako?

Nagtiwala ako. Nagmahal ako pero bakit ganun lahat nalang ba ng mamahalin kong lalaki sa buhay ko may isang babae na aagaw sa kanila?

Gulong gulo na ako.

Three days later...

The scenery was calm. The trees are so fine. Kulay kahel ang mga dahon. Pinapagaan talaga ang utak at puso ko. Umuhip ang malakas na hangin inaalon nito ang maliit 'kong buhok. Napayakap nalang ako sa katawan ko.

Tatlong araw na...umalis ako sa pilipinas at sumama sa Canada. Nag-AWOL ako sa trabaho. Nilayasan ko ang problema ko. Umalis ako para sa sarili ko. Umalis ako para hindi na siya makita. Wala na akong babalikan maliban sa maliit kong condominium.

Umihip ang malakas na simoy ng hangin. Ang maple leaves ay bumabagsak mismo sa akin. Parang mahogani lang sa pilipinas. Dinampot ko ang isa na nasa balikat ko 'tsaka ito hinipan bago bumagsak sa lupa kasama ang ibang mga dahon.

Ito ang gusto kong ipasalubong sa akin ni Denny pero ngayon hawak ko na ito at sa mismong puno pa.

Mabuti na rin siguro na dito na ako manirahan pansamantala.

Iniwan ko si Ra-. Hindi. Nagpaubaya ako sa kanya...sa kaligayahan niya. Si Ra-. Hindi ko mabigkas ang pangalan niya kaba sasagi sa isipan ko ay sumasakit ang puso ko. May masakit na kurot na tumatagos.

Wala nang sasaya kung ang una mong pag-ibig ay babalik sayo..siguro. Masakit...pero ayaw ko na ulit na magpaloko...maghabol.

Kailan kaya sila muling nagkita? Nagkikita kaya sila 'pag may mga oras sila? Sila na kaya?

"Hey! Let's go to the other place" ani ng pinsan ni Denny. Nasaan na kaya si Denny? Kanina pa siya wala. Iniwan ako ng bakla ng 'yon.

Napatingin ako sa kaliwa dahil paeang may nakatingin sa akin pero paglingon ko wala naman.

"Okey!" I stand up then I join them.

Bali kasama namin supposedly ang magulang ni Denny sa pamamasyal pero may ibang lakad din ang mga matatanda kaya ako at ang mga pinsan ni Denny ang kasama ko ngayon.

Naglakad ako patungo sa kanila. Kahit autumn dito sa Canada malamig parin. Itinabon ko ang makapal na hood sa ulo ko.

Alam kong mahina ang isang tao kapag tinatakbuhan ang problema nito. But why should I do? Gulong gulo na ako. Hindi lang kay Ra- pero ang mas masakit, naguguluhan na ako sa sarili ko. Hindi ko na alam. Kailangan ko munang hanapin ang sarili ko. Masyado akong nagmahal, masyado akong nasaktan sana talaga dito sa lugar na 'to mahanap ko ang katahimikan at ang sarili ko.

©®ImYeasang Novel
Read|Star|Comment
Salamat!!!

Stripped | Raze×Ash  #PrimoAwards2018Where stories live. Discover now