A-28

84 5 1
                                    

I almost got...

Lunes hanggang Sadado ang pasok ko sa Fransee. Syempre linggo naman ang day off ko. Pinili ko talaga ang linggo dahil gusto ko din namang magsimba 'di tulad noon na inuubos ko ang panahon ko sa trabaho. Kailangan ko ring magpasalamat at makinig ng words of wisdom.

"Good morning madame! Welcome yo Fransee,"rinig ko sa boutique.

Mag-aapat na buwan na pala ako dito sa pinagtatrabaho ko. Maraming nangyari sa loob ng isang buwan. Hindi na ako sales lady ngayon, miss Buff assigned me as a manager. Umalis kasi ang dating tagamahala ng tindahan ng mga dry goods na 'to. Nag-AWOL, ganun pala pag iniwan mo ang trabaho mo ng hindi man lang binibigyan ng permiso ng boss mo. Magkakagulo at magagalit an ibang employees. Kaya ayon nakonsensiya ulit ako.

May bago na akong tinitirhan. Medyo malapit dito sa pinatatrabahuan ko.

Si Denny engaged na kay Jelo. Ewan ko ba pagbisita ko sa bahay nila magkahawak na sila ng kamay at ngiting ngiti siyang dalawa.

" I really love him," pag sabi sa akin ni Denny ng ganun parang hindi siya 'yong Denny na kasama ko pumunta dito. Puro masasang salia ang sinasabi kay Jelo pero in the end sila din pala tong ikakasal.

May kasama ako sa nirerentahan kong apartment. Si Mikmik. Isang puting buldog. Nakita ko kasi siya sa daan habang umuulan dahil naawa ako sa malaki niyang nguso kaya kinuha ko na siya. Pero tinanong ko muna kung kaninong aso si Mikmik pero wala namang nagmamay-ari na kumuha.

At si Kenney. Naging mabuting kaibigan siya sa akin. Kahit na minsan kinukulit niya ako.

Minsan ng inaya niya akong kumain pumunta naman ako dahil hindi ako buay noong araw na 'yon. Tanghali ng linggo. Kumain kami sa isang fine dinning restaurant. Masyadong pangmayaman kaya kinutuban na ako. Nang matapos na kaming kumain ay bigla niyang hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.

"Pe-pwede ba ikaw ligawan?" Nahihirapan niyang bigkas. Nagulat ako sa pagtapat niyang iyon.

Nabigla ako at mablis na tumayo 'tsaka siya iniwanan doon. Hindi pa ako handa sa ganoong bagay. Hindi pa handa ang puso na magbukas muli sa taong mamahalin ko.

Bale nung unang dalawang buwan ko pa siya napapansin. Palagi niya akong binibigyan ng tsokolate at mga bulaklak. Ang sabi niya ay gusto niya daw talaga ako simula nung unang kita niya sa akin. Ilang beses ko din siyang tinanggihan.

Pero hindi parin siya tumutigil.

"Just friends only Kenney. Hope you understand," ilang linggo din na hindi siya nagpakita sa akin. Mabait siya sa akin kaya tinamaan na naman ako ng konsensya ko. Hindi ko 'yon nasabi kay Denny problemahin niya pa ako eh naghahanda siya para sa nalalapit niyang kasal. Sa 2030 pa daw. Sarap niyang batukan ano?

Kaya noong may party at sinama ako ni Denny(Family Gathering) ay agad kong nakita si Kenney.

I waved and smile. Ganun din ang ginawa niya. Lumapit siya sa akin at niyakap.

"I miss you," sambit niya nang hindi pa kumakalas ng yakap. Tinap ko ang balikat niya para sabihing kasalin na niya ang yakap niya.

"Sorry. I just really miss you," tumango lang ako.

"Is there's no hope.." sumimangot ako "Okey. Friend friend," inilabas niya ang kamay niyang nasa bulsa niya. Pinunasan niya pa ito at inilahad sa akin.

"Friends?" he wink.

Umiling nalang ako. Ang hangin talaga. Tinanggap ko ang kamay niya at nagshake hands kaming dalawa.

"Friends" sabi ko naman.

Napansin ko naman ang malaking pasa sa mata niya. Kailan pa siya nakipagsuntukan?

Stripped | Raze×Ash  #PrimoAwards2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon