A-36

81 4 0
                                    

Annoyed Inside

Nakaupo ako sa terrace habang nakahawak ang dalawang kamay ko sa mukha bilang pundasyon. Gumagawa ng isang libong pera, yan ang tawag ng mga matatanda.

Nililibang ko nalang ang sarili ko sa mga dahon na bumabagsak sa pool.

"Raw raw! Raw raw!" tahol ni mikmik.Anlakas ang pang-amoy ni Mikmik.

Nabuhayan ako ng makita ang paparating na sasakyan ni Raze. Napatayo ako sa kinauupuan ko at mabilis na lumabas ng bahay.

Ilang oras lang ba na hindi kami nagkita at ganito ako na-excited na makita siya.

Binaba ni Raze ang bintana at matamis na ngumiti sa akin. Kumaway naman ako na parang bata. Mabilis niyang ipinarada ang sasakyan. Pagkababa niya ang sinalubong ko siya ng yakap.

"Ginabi ka?" tanong ko habang akay akay niya ako.

"May konting problema lang kaya natagalan," hinalikan ni ako sa noo.

Agad akong naghanda ng pagkain namin. Ako mismo ang nagluto wala pa kasi kaming kasambahay. I just want also being a lady who do the house chores. Kahit ilang buwan lang habang wala pa akong trabaho na nahahanap. Naubos ang niluto ko pati narin ang kanin. Kahit nga puno pa ang bunganga ni Raze ay subo parin siya nang subo. Kahit ganon, he is still handsome.

"Mabilaukan ka," inabot ko sa kanya ang isang baso ng tubig. Tapos ko ng kumain at hinihintay ko nalang siyang matapos. Para akong nanonood ng shoot sa isang sikat na variety show at siya ang guest.

"Gutom na gutom kasi ako. Tsaka hindi na maalat ang adobo mo kaya ganun," tumawa niya. I pouted. Mabilaukan ka sana.

Nabilaukan nga siya. Agad akong tumayo at hinimas ang likod niya.

Uminom siya at nahimasmasan. Aalis na sana ako ng hinila niya ako at pinaupo sa hita niya. Napahawak naman ako sa leeg niya dahil sa gulat ko. Nagtaas ako ng kilay.

"Subuan mo ako para hindi ako mabilaukan," he pouted. May oras pa pala siyang magpacute sa harapan ko. Ginalaw niya ang tinidor at kutsara 'tsasa ngumuso.

Tinanggal ko ang kamay kong nakatali sa leeg niya pero kinuha niya ito at nilagay ulit doon.

"Kaya naman ng isang kamay diba?"

"Okey, master," tumango ako. Hinapit niya ang bewang ko ng mahigpit. Ang akala niya siguro ay tatakbuhan ko siya.Parang pulis at ako ang kriminal na tatakas.

Kinuha ko ang kutsara at humiwa ng konting karne tapos nilagyan ko na rin ito ang kanin.

"Sasama ako sa susunod na punta mo ng Tagaytay ah," binitawan ko ang kutsara at pinunasan ang labi niya.

"Ahh.." nag-isip siya. Sinipat ko, parang ayaw niya na pumunta ako doon "Sige, sa susunod," binuka niya ang bibig niya nag-aantay na subuan ko ulit.

"May gagawin ka bukas?" tanong sa akin ni Raze habang nagtitpa sa laptop niya. Namimiss ko na talaga ang magtrabaho pero kahit na ganoon ay okey lang nakikita ko naman ang asawa ko.

"Bibisitahin lang namin ni mama yung venue sa reception" simple kong sabi. Alam ko din naman na hindi pupunta dahil sa iniwan niyang trabaho sa apat na buwan.

"Sasama ako bukas," sinara niya ang laptop. Biglang nanliwanag ang paligid ko sa sinabi niya. Agad akong pumunta sa kanya na mangha parin.

"Talaga?"

"Opo," ginulo niya ang buhok ko pero inayos niya din "Ako ang magiging driver niyo ni mama," tinuktok niya ang tungki ng ilong ko.

Tumango tango naman ako na parang bata. Natulog ako ng mahimbing na may ngiti sa labi ko.

Stripped | Raze×Ash  #PrimoAwards2018Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt