A-11

151 7 0
                                    

Family

Naalimpungatan ako sa pagkakatulog ko ng narinig ang isang pag-capture ng camera. Inimulat ko ang mata ko at nakita ko kung gaano kalapad ang ngiti niya habang nakatingin sa cellphone niya.

Hinablot ko ito pero mabilis niya itong itinago sa bulsa niya.

"Gising kana pala" yayakapin niya sana ako pero mabilis akong umatras.

"Cellphone" sabay lahad ko ng kamay ko sa kanya. Pero umuling siya na nakapouty lips.

"Lakas maka highschool ah, ibigay mo na kasi!" Pagmamaktol ko sa kanya.

"Ayoko nga" nag-ayos siya ng upuan at aakmang lalabas ng note kaya dali dali kong kinuha yung cellphone niya sa bulsa niya.

"Ash! Chansing to oh!" Napa-ayos ako ng pagkakaupo ko. Kanina kasi nung kukuhanin ko yung cellphone eh iba yung nakapa ko. As in! Iba huhuhu

"Ibigay mo na kasi!" Inis kong sabi kaya napasigaw ako napatakip naman ng tenga si Raze.

"Anong ibibigay ko?" He grin.

I hissed, ng napatingin ako sa labas ay nakita ko kung gaano kaganda ang tanawin sa labas.

Parang may sariling buhay yung kamay ko na binuksan yung pintuan ng kotse at ang mga paa ko na naglakad. May kaonting hamog ang mga bundok at puno pero kitang kita ang ganda nito sinabayan pa ito ng pagsikat ng araw.

"Ang gandaaaaaaaa!" Hindi ko mapigilan ang sarili ko na sumigaw at mapakaway pa dito. Tumalon talon pa ako.

One of the best scenery I've ever seen.

"Raze, halika dito!" Tawag ko sa kanya habang nakangiti pero nasa likuran ko na pala siya habang hawak ang isang DSLR camera.

"Picturan mo ako, Dali!" Nag pose ako ng peace sign, jump shot saka yung stolen kunno.

Pero nung sinabi kong siya naman ayaw niya. Sayang naman. Napanganga ako na kaninang alas kwarto pa pala kami dito at sinadya niya talaga yun para makita ko yung kanina. Yayakapin ko sana siya pero naisip ko hindi pala pwede. Basta hindi pwede.

Ayaw ko pa sanag umalis pero hindi pa daw yung lugar na pupuntahan namin. Bale yung ruta namin ay parang pabalik. Wala pang isang oras ay nakarating na kami sa isang mapakalaking resort.

Habang pinapark ni Raze yung Trailblazer niya ay tinanong ko kung bakit nga kami andito. Sumama ako pero hindi ko alam kung anong pupuntahan namin. Kasal pala ng pinsan niyang babae sa isang american na may ari ng isang sikat na pagawaan ng sapatos sa Illinois.

Sinasubong kami ng isang bellboy. Nasa twenties na rin sila katulad  namin ni Raze.

"Sir, kayo na lang po ang kulang pati si Ms. Ganda" segway ni kuyang may hawak ng maleta ko.

"Tsk kuya naman wala akong pera dito" kaya nagtawanan kaming lahat, maliban lang pala kay Raze na mabilis na naglakad.

"Nagselos ata se Ser, halla ka Mario maghanap hanap kana ng trabaho mo" tawa ng kasama niya parang nabagsakan naman ng dalawang kaban ng bigas ang mukha ni kuya.

"Yun magseselos? Bakit na man daw. Ah alam ko na sinabihan mo din Sana siya ng ms Ganda" I laughed hardly.

Inihatid ako ni Mario at Jose yung isa, sa cottage namin. Namin ni Raze. Malaki ito at pangyamang cottage. Yung furniture ay may modern style pero may wood style din, yung mga narra at bamboo.

"Sige po ma'am, may trabaho pa po kami" nagpaalam din ako sa kanila at kinawayan kahit na hindi naman sila nakatingin sa direkayon ko dahil andito si Raze.

Stripped | Raze×Ash  #PrimoAwards2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon