A-26

97 5 7
                                    

Fate

"Ashley, Here!" anang ng isang pinsan ni Denny si Sophia. Ngumiti ako at tumungo sa kanya. May lahing banyaga si Sophia kaya kulay asul ang bilugan niyang mga mata.

"Ash, Sophia" pagtatama ko at umupo sa tabi niya.

"Whatever. I want Ashley" then she laughed. Magpinsan talagsa sila ni Denny. Speaking... Napabaling ako sa tabi kong upuan dahil kararating lang ni Denny na hingal na hingal.

Tinignan ko siya ng masama. Pero niyakap niya lang ako ng mahigpit. Akala niya ba mauuto niya ako sa yakap niya? Halos limang oras niya akong iniwan sa mga pinsan niyang isang araw ko palang na kilala. Alam niya namang hindi ako gaano ka-approachable sa mga tao 'buti nalang pinapansin nila ako lalong lalo na si Sophia.

"'Wag mo nga akong tignan ng ganyan" 'tsaka niya kinurot ang braso ko. Aba't may gana pa siyang mangurot e ako itong iniwan niya ng walang pasabi kanina.

"Saan ka ba manggaling, ha?" Nagtaas ako ng kaliwang kilay sa kanya "At limang oras talaga?"

"Ganito kasi 'yan...yung... mahaba bakla mamaya nalang" nag-iwas siya at itinuon ang atensyon sa pinggan "kain muna tayo...mahaba kasi 'yon"

I sighed. Mukhang mahaba haba nga at mukhang gutom na gutom siya.

"This. Ashely" bigay sa akin ni Sophia ng pagkain.

"Ano ba Sophia... Ash lang no?" Sabi no Denny sa kanya.

"Do your own pseudonym of her because I have my own. Right, Ashley?"

Tumango nalang ako sa kanya. Natahimik lang akong kumakain habang nagbabangayan si Denny at Sophia ganun narin ang mga ibang pinsan niyang sina Erin, Chez, Moru at Kenney.

"Ash, I think you have so many suitors in Manila," Muro. Napatingin ako sa kanya.

"Of course, she's so beautiful" Kenny. Napatingin naman ako sa kanya...he look at me then he continue his food.

"I think she has a boyfriend," Erin. Napakagat labi ako sa sinabi ni Erin.

"I really like Filipino men" Chez.

"But they don't like you," sabat naman ni Denny. May gigil sa boses ni Denny mukhang naramdaman niya na awkward ako sa pinag-uusapan nila.

"Are you okey, Ashley? Don't you like the foods?" Ngumiti ako at umiling. Denny pat me in my lap. Tumango ako "Okey lang ako"

Isang oras ulit nang paglibot ang ginawa namin. Hindi ata sila napapagod o kahit nauuhaw dahil tawa nang tawa sila. Hindi naman na ulit umalis so Denny. Mabuti naman. Pero ang kaibahan lang ngayon ay kasama niya si Jelo. Minsan naawa ako kay Jelo dahil mabait naman siya kay Denny pero hindi ko din talaga masisisi si Denny.

Papauwi kami sa bahay na tinutuluyan namin...ko pansamantala. Maghahanap din ako nanang malilipatan pag may nahanap na akong matandang trabaho dahil nakakahiya na. Sumama na nga ako nang hindi plano tapos ngayon makikikain at makikitira pa ako. Nakakahiya.

Kay Jelo kami sumakay ni Denny pauwi. Napapansin kong medyo mainitin ang ulo ni Denny pagsakay namin sa kotse niya.

"Bakit ba kasi kailangan pang mag-effort eh hindi naman kailangan. Mga tao nga naman sa mundo ang tatanga" sabi ni Denny alam kong patuya 'yon ni Denny kay Jelo pero parang nasapul ako ng slight lang naman.

"You need to do it if you really love that person" sabay naman ni Jelo habang nakatingin kay Denny sa front mirror.

"Kinakausap kita? Hello si Earth ang kausap ko"

Dalawa kami ni Denny sa back seat. Palaban din palang 'tong si Jelo. Sa mga pinagsasabi niya ay may gusto nga siya kay Denny.

I lie my head in the window. Plugging my headset, searching for silence. Marahan kong ipinikit ang mata ko at dinama ang tugtog. A bunch of questions running on my mind.

Nang makarating kami sa bahay ay nagsimula ulit ang munting salo salo at sayawan. Ngayon lang kasi nila ginawa ito pagka-uwi namin. Mabilis na napagod ang mga matatanda.

Mag aalas dose na nang natapos namin ni Denny magshower. Isang pagama at malaking damit ang isinuot ko. Habang nakapatong ako sa malambot na kama ay tinitignan ko ang sarili ko sa salamin. Nagbago ang itsura ko sa maliit kong buhok. Isang buntong hininga ang inilabas. Umalog ang kama nang tumalon at humilata si Denny. Niyakap niya ang malaking unan 'tsaka ito pumikit.

Naalala ko 'yong kwentong kailangan niyang sabihin sa akin dahil sa pang-iiwan niya sa akin.

"Nasaan na 'yong kwento?" panimula ako. Dumilat siya at tinitigan ako pero ipinikit niya din ito agad.

"Ah...wala 'yon."

"Ano nga? May nililihim karin ba sa akin Denny?"

Dumilat siya at umupo. Hinawi niya muna ang mga takas niyang buhok bago hinawakan ng mahigpit ang kmga kamay ko.

"I know you're not well, sa..." niyakap niya ako "Best friend talaga tayo parehas tayong maraming problema" she laughed. Kumalas siya sa yakap.

"Makikinig ako, Den"

"Tinakas ako ni Jelo. Wtf! Anong karapatan niyang gawin 'yon sa akin?He locked the car! Ang kapal ng mukha akala niya naman abibili ako ng mga paayosalan niyang date sa 'kin. Magrarally sana ako para ipahiya siya pero.... For my Pete's sake I back out mamaya sasabihin pang mag-asaa na mga... Nandidiri ako sa kanya. Alam ba 'yon pag whenever I saw his...his...ugly face" Jelo is a good looking man kaya ang sinasabi ni Denny na ugly ay handsome "Kung tinkas niya ako. Huh! Edi tinakasan ko din siya" then he laughed.

"Talaga?"

"And I saw him...si Raze"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Anong ginagawa niya dito? Pano niya nalaman na nandito ako? Kailan pa siya dito? Bakit niya ako sinundan? Bakit pa siya pumunta dito.

Mga gusto kong tanungin pero wala din nalang silbi.

"Talaga? Lalabas muna" inihanda ko na ang paa ko para tumayo pero pinigilan ako ni Denny.

"Hindi mo tatanungin kung anong pinagusapan namin?"

Umiling ako. Nagbabadya na naman ang mga luha ko.

"Sinampal ko siya ang magkabilaan. Tagdadalawa. Para sa akin 'yon isa tapos para sayo naman 'yong isa. Hindi mo kasi ginawa kaya ako nalang"

"He wanted to see you,"

"Hindi ko siya kayang makita"

"I know, I know"

"Kung magkita ulit kayo pakisabing I don't wanna see him and I don't love him anymore"

Mabilis akong lumabas sa kwarto. Hinawakan ko ang dibdib ko. Nahihirapan akong huminga. Hindi na ba ako titigil iiyak?

Nanghihina akong maglakad lahat ang pang-ibaba akong labi pinipigilang lumabas ang iyak at hikbi ko.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa. Nanginginig akong hinanap ang number ni Raze. Kahit sa pag-tipa ay hindi ako makalma.

Typing

Typing....

I hate you.

Deleted

I'm giving up...

Typing...

Deleted.

I still love yo-

Deleted. Back to home.

Mahigpit kong hinawakan ang bagong kong cellphone. Indeed. I still love him. Sana... sana matapos na 'to.

Ngayon lang siguro to. Pagdating siguro ng panahon mawawala rin 'tong nararamdaman ko. Itong pagmagmamahal ko sa kanya.

Ito na siguro ang kapalaran ko. Ang hindi na magmahal muli.

©®ImYeasang
Read|Star|Comment

Stripped | Raze×Ash  #PrimoAwards2018Where stories live. Discover now