A-35

87 4 0
                                    

Dinner

Malakas at maganda ang hampas ng alon.

"Balance mo lang po," sabi ng nagtuturo sa aking surfing.

"Sige susubukan ko" sumakay ako sa surfing board. Nakahiga ako at gumalaw ito ng ginalaw ko ang dalawang kamay ko. May maliit ng alon kaya sinubukan ko doon.

I stretched my hand and strengthen my legs, hindi pa man ako napunta sa alon ay nahulog na ako sa surfing board.

Tumayo ako agad at kinuha ang surfing board. Nakita ko namang tumayo si Raze at aakmang pupunta sa akin. Tinaas ko agad ang kamay ko ng OK sign.

Umupo agad siya at pinanood ako sa ginagawa ko.

"Balance," sabi ni ate.

Ilang beses ko ulit sinubukan.

"Balance," sigaw niya.

Inihanda ko muli ang surfing board sa isang maliit na alon.

"Balance," sigaw niya ulit

Pero bumagsak ulit ako.

Nakakatayo ako paminsan minsan ng mga limang segundo pero bumabagsak parin sa tubig.

"Balance lang po"

Nakakunot na ang babaeng nagtuturo sa akin. Sinusunod ko naman ang bawat sinasabi niya ah.

"Tama na," turan ko habang kinukuha ko ang surfing board.

"Balance lang kasi po 'yan," mabilis siyang umahon sa dagat habang ako imbes na mainis din, heto ako natatawa nalang. Sumuko na talaga si ate na turuan ako.

Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko hanggang sa hindi ko na makita si ate. Tinawag ko si Raze.

"Raze!" Ilang hakbang lang ang ginawa niya ay nasa harapan na niya ako.

"Ang saya nung babae umalis," tawa niya. Tinampal ko siya sa braso niya. Ang sama!

Tinanggal ko ang taling nakalagay sa paa ko, yung nakakonekta sa surfing board.

"Sabi ko sayo dapat si kuya ang magturo sa akin," ibinigay ko yung tali sa kanya.

"Andito naman ako. Bakit gugustuhin mo pa ng iba?" He level his right feet 'tsaka inilagay ang tali. Agad siyang lumangoy at sumampa sa surfing board. He smoothly follow the dance of the waves. I dropped jaw. Mangha hindi dahil sa galing niya sa pag-surfing bagkus ito ay sa pagiging consistent ng mga ngiti niya.

"So, tuturuan na ba kita, Miss?" papunta sa siya sa banda ko.

"Magkano ba bayad?" I naughtily said.

"Pagmamahal mo lang," bumababa siya ng surfing board at naglakad papunta sa akin habang hawak hawak ang surfing board. I gawk as he flip his hair backward.

Agad kong inilagay ang tali at sumampa sa surfing board. Hinawakan niya ang bewang ko at sabay naming sinabi ang magic word.

"Balance"

That was one of our good memories in different isla's in Palawan. But Isla Aro was the best.

Naging maganda ang agos ng panahon sa amin ni Raze. Hindi man ganun ka perpekto pero sapat na 'yon para masasabi kong may mas tiwala at pagmamahal na kaming ibibigay sa isa't isa.

Kabado ako ngayong araw na 'to. Kahit nung isang araw pa itong sinabi sakin ni Raze ang plano niya ay kinakabahan parin ako.

Sa kahabaan ng biyahe namin papuntang Manila ay hindi ako nakatulog ng mahimbig.

"Kinakabahan ka parin ba? Gusto mo ng--Aray!" Sa mga ganitong pagkakataon pa ba naman. Pero kahit papaano ay napangiti ako.

"Hindi na. Baka pagdating natin doon may apo na sila," tinuktok ang noo niya. Umupo ulit ako ng maayos at sumamdal sa bisig niya.

Stripped | Raze×Ash  #PrimoAwards2018Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt