A-15

134 6 0
                                    

I surrender

Pagod akong bumalik sa loob ng condo ko dahil sa pagtakbo ko kanina. Wala pa kong sapin sa paa nung lumabas ako para habulin si Raze. Medyo bumuka yung sugat ko sa paa pero hindi ko yung ininda.

Nanghihina akong umupo sa sofa at naiinis na ibinato yung maliit na unan sa pader. Nakokonsensya ako!

"Huh! Wag kang makonsesya Ash!" I stand with determination saka nakapameywang na pumunta sa kusina para kumuha ng isang basong tubig.

Agad kong nilantakan ito at marahas kong inilapag sa sink.

"Kasalan na niya yun! Bahala siya sa buhay niya! Tsk" kumuha pa ulit ako ng tubig sa pitsel dahil nauuhaw pa talaga ako.

Mainit ang ulo ko kahit na nakasagad na yung air con naiinis akong inalis yung makapal kong kumot.

"Oo na! Nakokonsensya na ako! Pero isip bata yung ginawa niya diba? Kaya please patulugin mo na akoooooo!" Sigaw ko. Mag a-ala una na ng umaga pero dilat na dilat parin ang mga mata ko. Kung sana sinunod ko nalang yung sinabi niya edi sana mahimbing na akong natutulig with matching laway na nasa dream land ako habang kumakain ng mga candies.

Why I have to be like this?

Magising ako sa tunog ng cellphone ko sinagot ko ito ng hindi tinitignan. Baka emergency sa office o baka si Denny naman?

"Yes?" Malamya kong sabi dahil inaantok pa talaga ako.

"Baklaaaaaa!"  Tama nga ako si Denny. Bakit ba sigaw ng sigaw to pag tumatawa? Bakas ang saya at pagka energetic sa boses niya. Buti nalang at wala sa tenga ko yung cellphone dahil kung nagkataon ay nabingi na ako.

"Oh?" Tanong ko.

"Ayt ganyan na ah! Oh balita ah" sabik nitong sabi rinig ko sa kabilang linya ng pag ngatngat niya ng kung ano.

"Umagang umaga Denny, pwede ba mamaya nalang patulugin mo muna ako"

"Hoy misis! Alas dose na po na hapon! Pero sige dahil puyat ka pahinga ka muna. Dahil alam kong sasabak ka naman mamaya gabi!" Hagikgik nito sa kabilang linya saka binaba. Aapila pa lang sana ako Dahl alam ko yung ibig niyang sabihin na sasabak. Green minded. Grrr!

Itutuloy ko na sana ulit yung tulog ko pero tumunog yung cellphone ko.

"Pwede ba Denny wala nga kaming ginawa. Please naman hindi kasi ako nakatulog na maayos" walang nagsalita sa kabilang linya "Hpy! Denn-"

"Hindi ka rin pala nakatulog ng maayos?" Husky voice in the other line. Bigla na lamang ako napaupo ng dis oras.

Mabilis ang pagkabog ng puso ko. Nahihirapan na rin akong huminga ng maayos. Pinilit kong hindi ipinahalata ang kabag nararamdam ko.

"Ah nanood kasi ako ng Harry Potter" palusot ko pero napakamot na lamang ako ng ulo ko dahil sa sagot. Na hindi ako nakatulog dahil nanood ako ng Harry Potter? Sakit ng tiyan siguro pwede pa. Mabuti nalang hindi niya iyon napansin.

"Ako kasi iniisip kita, Ash!" Mabilis ang pagtambol ng puso ko dahil sa sinabi niya. Hindi siya nakatulog na maayos dahil sa kakaisip sa akin? Nakakabangungot ba ang pagmumukha ko? Pero alam ko ang ibig sabihin niya pero parang ang bilis naman ata.

He sighed. Kinakabahan ba siya?

"Ah Ash? Are you there? Yayain sana kitang kumain sa labas" aniya.

Nanatili ang mga mata ko sa cellphone.

"Hmp? 'K" matipid kong sabi.

"Bye" then he ended the call.

Napasighap nalang ako napansing tulala ako. Why am I acting like this. Ash this just a simple launch. Yes, no malice at all just a launch.

Stripped | Raze×Ash  #PrimoAwards2018Where stories live. Discover now