A-37

81 3 0
                                    

Nothing

Kagat kagat ko ngayon ang labi ko para mapigilan ang pagsilay ng mga ngiti o tawa ko. But it can't help me at all. Pero 'pag naiisip ko na wala pala ako sa scenario na iyon at si Natalie ang nandoon ay medyo naiinis ako.

Nakatae pala kasi itong si Raze. Eh gwapong lalaki nakatae.

"Hindi naman nakakatawa. Nakakatawa ba 'yon?" Painis kong sabi.

"Pero bakit nga ba nakatae ang isang Montebello?" Lumingon ako sa kanya na seryosong nagmamaneho. Nasa tabi na niya ako ngayon.

Hindi siya umimik.

"Kailangan ko din bang hampasin 'yang braso mo?" galit kong sabi. Hindi niya kasi ako pinapansin.

Padabog akong umupo at hindi narin siya pinansin.

"It's not only me. Sumakit din ang tiyan ng kasama ko kaya lang ako lang hindi umabot sa bowl"

Hindi ko siya pinansin. Siya naman ngayon ang nangungulit. Alam mo na ngayon ang pakiramdaman na walang sumasahot sayo? Kay Natalie kaya? May pakiramdam paba ang babaeng 'yon? Makapagkwento kasi sa mga sweet moments nila parang wala lang ako.

"Baby," kinuha niya ang kamay ko at pinag intertwined ito. Habang nagmamaneho siya ay nilalaro naman ng kabilang kamay niya ang kamay ko.

"Baby" tawag niya ulit sa'kin.

"Uhmm" nakatingin parin ako sa labas. Pinark na niya ang kotse sa harapan ng mamahaling restaurant.

"I love you," hinila niya ang kamay ko at hinalikan nito ang likuran.

Tinanggal ko ang kamay niya. Ganun din ang seat belt. Humarap ako sa kanya at niyakap ito nang mahigpit. Nangungusap ang mga mata nito. I smiled.

Kumalas sa yakap at bumaba.

"Hey! No I love you too?" bumaba nadin siya at umikot para lumapit sa akin.

"Masyadong sweet baka puro matamis kasi ang malalasahan natin mamaya" tumawa siya.

Isang oras at kalahating oras ang itinagal namin sa food tasting. Mga bago sa paningin at panlasa ko ang lahat ng inihanda nila. Hindi din ako makapili dahil puro masasarap.

Sa loob ang dalawang linggo ay inatupag ko ang mga kinakailangan sa kasal pero hindi sapat ang panahon 'yon para matapos.

Pagod ako humiga sa aking kama. Kakauwi ko lang galing mall kasama si Hannah. Nagpasama kasi siya sa aking mamili ng mga damit at sapatos niya. Wala naman akong ginawa kasy sinamahan ko siya. Pero sayang kasi ngayon araw na 'to pumunta ulit si Raze sa Tagaytay gusto k sanang pumunta pero nag-oo na ako kay Hannah.

The cellphone vibrated. Kinuha ko ito at sinagot.

"Ashhhhhhhhhhhhhhh!" bungad sa akin ni Denny.

"Dennnnnnnnnnny!" sigaw ko din sa kanya. Nagtawanan nalang kami sa inasta naming dalawa.

Kahit kada linggo niya ako tinatawagan ay namimiss ko parin siya.

"Uuwi ako ng maaga diyan baka kasi hindi magfit ang damit sa akin. Maluwang ganun..," she laughed "Alam mo na sexy ako" tumawa ulit siya

"Baliw!" natatawa kong sabi.

Siya kasi bridesmaid ko. Eh sino pa ba? Siguradong magtatampo ito 'pag hindi siya. Pinangako kasi namin sa isa't isa na kung sino ang unang ikasal sa amin ay siya ang bride, malamang! Tapos yung isa naman syempre ang bridesmaid. Nahahawaan na tuloy ako sa pagiging kalog na kaibigan ko.

"Baka masikip kamo?"

"Duh! malapit sa 24 ang waist line ko no? Kaya sexy nayun," tumawa ulit siya.

Stripped | Raze×Ash  #PrimoAwards2018Where stories live. Discover now