A-12

151 7 0
                                    

Baby

Pagkatapos naming kumain ay nagpasya kaming mag kanya kanya ng gala syempre na-excite ako kasi first time ko dito. Pero ang mokong ayaw lumabas. Kaya eto back to tunganga ulit.

Nilapitan ko si Raze na matutulog pero alam kong nagtulugtulugan lang siya. Niyugyog yugyog ko siya pero hindi man lang siya umimik.

"May zip line ba dito? Mag zip line naman tayo oh. I tour mo naman ako dito sa resort nito. Gusto ko ulit pumunta dun sa pinuntahan natin kanina. Hoy Raze nakikinig kaba ha?" Sinigawan ko na siya pero nakapikit parin siya. Tumunog na naman ang tiyan ko kainis konti lang kasi ang nakain ko kanina lalo at nasa harapan ko pa si Carlos.

"Wag muna ngayon baby" sabay himas ko sa tiyan kong gutom na naman. Nagulat naman ako ng biglang bumangon si Raze. Agad niyang kinuha yung cellphone at medyo lumayo sa akin.

"Hoy! Raze" tawag ko sa kanya pero busy parin siya sa pagpipindot ng cellphone niya. Lumabas na lamang ako ng cottage para baka amoy ng hangin.

Marahas ang hampas ng hangin sa buhok ko inilagay ko ang bawat takas na buhok sa tenga ko. Umupo ako sa isang upuan na  bamboo tree.

Nakaramdam naman ako ng may umupo sa tabi ko. So Raze nakatingin lang din siya sa malayo at mahahabang bungtong hininga ang nilalabas niya.

"Sabihin mo na sa akin ang totoo" napalingon naman ng nagsalita siya. Anong sasabihin ko?

"Anong totoo?" Nagkasalubong ang mga kilay ko ship sa pag-iisip.

"Gutom ka?" Nakangiti niyang sabi sabay hawak sa kamay ko. Agad ko naman yun tinanggal at inilagay sa baba ko na parang nag-iisip.

"No sex okey!" Pa galit kong sinabi. Kasi ginamit ko siya kanina, sinabi kong siya lang ang meron ako. Pinapamukha ko yun kay Carlos. Nag-gagamitan lang naman kami ni Raze.

"Huh? Pwede naman ah" agad ko siyang tinampal ng malakas sa braso. I hardly signed.

Lumabas kami ni Raze para kumain. Yes I'm free to eat what I want. May nadaan kaming maliit na karinderya sabi ko dun nalang kami pero ayaw niya madumi daw at masama para sa akin sabi ko e di namatay na ako pag ganun. Nasa isang Japanese restaurant kami ngayon marami dung mga turista ang nandidito. Pilipino at maging mga foreigners. Ang tagatay kasi ang second summer capital region sinusundan niya ang Baguio. Kaka-search ko lang nung nagbiyahe kami.

"Udon and soba noodles, yakitori grilled Chicken, tsukenomo, yakinomo then sashimi" saka ibibigay niya yung menu card sa waitress.

"Two servings sir?" Magalang na tanong ng waitress.

"One only then water" ano to ako lang kakain sa aking dalawa.

"Wine nalang, ako naman magbabayad miss" pero agad na binawi ni Raze yung sinabi ko at tubig nalang daw ang I serve niya.

After 5 mins ay sinerve na nila yung pagkaing in order ni Raze na sashimi lang ang kilala ko. Naguuutim na talaga ako, naku kung lang talaga ako gutom kanina pa ako lumayas at naglakwatsya nalang. May Google map naman na kasama ko naisip ko lang yun nung nasa kotse ulit kami habang nagbibiyahe.

Naku naku kung minamalas ka nga naman dahil hindi ko alam gumamit ng chopsticks. Nahalata naman yun mi Raze ng magkandahulog hulog ito nung sinubukan ko kaya humingi siya ng tinidor.

"Siguro ito yung uod noodles" turo ko sa kulay brown na medyo violet na noodles na parang uod. Napatingin naman ako kay Raze na tumatawa.

"Hindi yan uod, soba noodles yan" turo niya sa sinasabi ko "saka eto yung udon noodles hindi uod" turo niya naman sa sabay na noodles.

Stripped | Raze×Ash  #PrimoAwards2018Where stories live. Discover now