A-14

139 7 0
                                    

Tampo

Natapos ang araw ng hindi ko kinakausap si Raze. Naalala ko parin yung mukha niyang disappointed dahil hindi ako buntis. Sarap bigwasan.

Tumatawag din siya pero pinatapatay ko lang. Sumapit na rin ang gabi ng hindi ko siya pinapaansin. Inaabala ko na lamang ang sarili ko kakapindot ng cellphone ko.

"Ano!" Nanlalaki ang mata ko sa nabasa ko sa cellphone. Alam kong meron si Raze sa gilid ko at nagulat siya pero hindi ko iyon pinansin.

3 to 4 hours lang kasi ang biyahe mula maynila hanggang Tagaytay. Binilang ko pa sa daliri ko kung ilang oras kami nagbiyahe seven kasi kami umalis ang gabi tapos four daw kami nakarating. So anong ginawa namin sa excess na 4 hours?

Gustong gusto ko siyang paalisin sa tabi ko pero ayaw ko naman siyang kausapin. Sumasakit parin kasi ang parte na paa kong may sugat. Letse nagugutom narin ako. Pinilit kong naglakad dahil naiihi na ako pero biglang hinawakan ni Raze ang braso ko at inalalayan ako.

Minasamaan ko siya ng tingin pero hindi siya natinang kaya ang ginawa ko hinablot ko nalang ang braso ko ang nagtuloy sa paglalakad pero hinawakan ko ulit ang kamay ko.

"Please Ash kausapin mo naman na ako" nagmamakaawa niyang sabi habang hinahablot ko ulit ang kamay ko sa kanya. Tinignan ko siya ng may panunuya.

"Ash, sige na oh sorry na" rinig ko parin ang pagmamakawa siya sa labas ng cr. Paulit ulit nakakarindi na. Pero ilang sandali ay tumigil siya sa kakangawngaw niya.

Paglabas ko sa cr ay wala na siya.

Ang bilis niya palang sumuko. Utas ko sa utak ko.

Umupo ako ng may dismaya sa sarili. Gusto ko ng umalis sa lugar na to. Tumutulo na naman ang luha ko tiningala ko na lamang ang ulo ko para hindi matulog na nagbabadyang ulan ng mata ko.

Ramdam ko yapak ng paang papalapit sa akin. Kaya napaayos ako ng pagkakaupo ko.

"Kain ka na muna, alam kong gutom kana. Wag kang mag-alala sinabi kong masama ang pakiramdam ko kaya hindi tayo makakapunta doon" Aniya saka inilapag yung pagkain sa mesa.

Walang paligoy ligoy ay hinarap ko ang pagkain. Nagugutom na talaga kasi na ako. Kumain ko ito sa harapan niya ng hindi siya pinapansin.

"Sorry na, hon" nabilaukan ako sa huli niyang sinabi. Kaya Dali Dali siyang tumayo ay binigyan ako ng tubig.

Hon? Saan niya naman nakuha yun. Inirapan ko siya ng hinawakan niya ang kamay ko. Inayos ko ang sarili ko at hindi na kumain pa. Nawala ako ng gana.

"Kain ka pa, A-ash isang subo parang yung kinain mo" humahukipkip ako at tinignan lang siya. Isang subo? Subo mo yang mukha mo.

Inihiga ko nalang ang sarili ko sa sofa at nagsimula ulit sa pagkalikot ko ng cellphone ko. Ramdam ko yung pagtabi niya sa gilid ko pero hindi man lag ako gumalaw.

"May sasabihin ako sayo, hon" pumintig ang tenga ko sa sinabi niya kaya ti-next ko nalang siya dahil ayaw ko siyang kausapin.

To Mr. Chivalry:
'Wag mo akong tatawaging hon.

Tumunog yung cellphone niya. Kinuha niya agad yun at mabilis din siya nagtipa.

From Mr. Chivalry:
Bakit naman? :(

In-ignore ko yung text niya at naglaro nalang ng everwing.

"Bakit naman ayaw mo ng hon? Maganda naman ah?" Itinigil ko yung paglalaro at sinagot siya sa text.

To Mr. Chivalry:
Dahil hindi hon ang pangalan ko.

At tinuloy ko yung ginagawa ko. At bahagya kong itinulak siya sa gilid ko kaya nahulog siya. Pero umupo din siya agad.

Stripped | Raze×Ash  #PrimoAwards2018Where stories live. Discover now