A-19

115 6 5
                                    

House

Naging mabilis ang panahon. Ganun pala talaga pag masaya ka hindi mo namamalayan ang pag-ikot ng oras. Ganun din naman noong kay Carlos pero iba ang kay Raze. Ibang iba!

Madalas ay kasama ko siya papunta sa opisina. Hindi na nga lang sa dati kong opisina kundi sa bago. Yes. Lumipat ako.

"Anong ginagawa ko dito? Raze male-late na ako" paheheterikal ko.

"Stop shouting, Ash. Uhmmm" kalmado niyang sabi habang pinapadausdos ang kanyang kamay sa katawan ko.

"Elivado!!!!" Sigaw niya pa lang ay kilala ng kilala ko na kung sino 'yon. Si Denny.

"Anong ginagawa mo dito?" I asked. Ang mga mata naman na Denny ay lumipad sa kamay na nasa bewang. Nagtaas lang ito ng kilay sa akin.

"Hi Raze!" panimula niya. Nauna niya pang batiin si Raze "Wala ako kahapon sa opisina right? Oh my God! Wag mong sabihin na hindi mo yun napansin? Tsk tsk tsk" parang nawalan siya ng gana nung sinabi niya 'yon.

Sabagay okupado talaga ang utak ko nung araw na yun. Hindi ko talaga napansin dahil sa biglaang pagdating ni Carlos.

Tumango lamang ako.

"I hired her here and you" bulong sa akin ni Raze. Kagat ko ang labi ko ng inilapit niya ang mukha niya sa tenga ko. Ngumiti naman si Denny na nang-aasar.

"Mas malapit ka sa opisina ko kaysa sa dati. Sa kabilang building lang ako"

"Nag-resign ka din?" Naguguluhan kong sabi.

Kung pwede lang na ihinto ang panahon sa oras na masaya ka. Kung pwede sanang saya nalang ang lahat. Pero hindi ganoon ang buhay dahil ang saya ay may kaakibat sa sakit. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba iyon? Paano kung mangyari din yung nangyari kay Carlos? Pano?! Pero naniniwala ako sa pagmamahal na pinapakita ni Raze sa akin.

Kahit na gaano ka-hectic ang mga schedule namin ay nagkakaroon parin kami ng oras sa isa't isa. Niyaya niya ang akong tumira sa bahay niya pero inawayan ko iyon kaya minsan ay siya nalang ang nakikitulog sa akin.

Isang katok ang narinig ko. Bumukas ang pinto at sumungaw doon ang madilim na aura ni Raze. Bigla akong nanginig. Tinignan ko ang cellphone ko at pasado alas otso na. Mapakarami rin ng message ni Raze at may tatlong tawag na tananggap na hindi ko nasagot.

Dali dali kong kinuha ang mga gamit ko habang papalapit si Raze sa akin. Anong meron sa lalaki ito ay mukhang binagsakan ng langit at lupa.

"Sorry hindi ko namalayan yung oras," nahihiya kong sabi. Baka naghintay siya ng matagal sa akin kaya badtrip.

Mula sa pagkakatayo ko ay agad akong niyakap ni Raze.

"May problema ba?" I murmured.

"I don't. But I think magkakaroon ako." Kumawala ako sa pagkakayakap sa kanya para maharap siya "Mababaliw ata ako" he started.

"Bakit naman?" Niyakap niya muli ako ang mahigpit at kaikaiahan lang ngayon ay ramdam ko ang tibok na puso niya he squeezed me in his chest.

"Masyado kana kasing busy,"niyakap ko din siya pabalik. I sighed. Naguguilty ako. Naging busy na nga ako this past days hindi tulad nung mga unang buwan na ako pa mismo ang sumusundo sa kanya sa opisina niya.

Nasa sasakyan kami ay puro usapang opisina ang ikinuwento ko sa kanya.

"Really?...Uhmmm" nasa daan parin ang paningin niya. Bigla ulit akong na-guilty dahil kapag tinanong ko siya sa trabaho niya ay nililihis niya at gusto niyang pag-usapan ay kung ano ang gusto kong kainin.

Stripped | Raze×Ash  #PrimoAwards2018Where stories live. Discover now