Chapter19

113K 3K 210
                                    

Chapter 19
Mama

"Dito nalang ako Damon." sabi ko.

Nasa gym kami ngayon. May practice kasi kami ng volleyball. Sila naman ay may practice din pero pagkatapos iyon nang aming practice kaya magkasabay na kami.

He's wearing a dark green jersey short at white shirt. Nasa balikat niya ang kanyang jersey na terno ng short niya.May tatak iyon na HMU .

Hinagod niya ako nang tingin then he lazily shooked his head.Bigla akong kinabahan.

Pasimple kong ginala ang aking mata sa paligid. Maraming babae ang nakatingin sa amin at alam kong hindi maganda ang sinasabi nila sa akin.

Same as usual. Palagi naman ganyan ang kanilang reaksyon sa tuwing magkasama kami ni Damon. Minsan kung ako lang mag isa ay bully ang inabot ko.

Binilanggo niya ako sa kanyang bisig. Bahagyang nakayukod siya para maging pantay kami.

"I hate your uniform."

Napataas ang kilay ko at tinignan ang sariling uniform namin na pang PE.

"Okay lang naman ah."

"Tss.." umirap ito. "I'll watch you." dagdag pa nito.

Hinalikan niya ang noo ko at tinungo ang ibang kasamahan ko.

"Ang landi"

"Hay naku! Mukhang probinsyana at walang alam! first year palang ang landi na!"

"Yeah right girl.Si Damon pa talaga!"

Hanggang sa maaari ay iiwas na ako sa gulo. Bahala sila kung anuman ang kanilang iisipin at sasabihin sa akin.

"Hayaan muna ang mga iyon. Insecure lang iyon.." sabi ni Ruru nang makaupo na ako kasama ang mga classmate namin.

"Hi Zandria!" Binati ako ni Alfred.

"Hello.."

"Shut up Alfred kung ayaw mong
masapak." Aniya ni Ruru kaya pinandilatan ko siya.

Wala pa kasi ang aming P.E teacher kaya hindi pa nagsisimula.

"Really?" umangat ang kamay ni Alfred upang akbayan ako.Bigla akong naasiwa.

Bigla akong kinabahan sa pag akbay ni Alfred sa akin. Hindi ko alam kung aalisin ko ba? at ano nalang ang iisipin ng makakita?

"Sino naman?" presko pa nitong sinabi.

"Alfred.." mahinang saway ko dito.

Ngumisi naman si Ruru. "Watch out.."

At wala pang tatlong segundo na sinabi niya iyon ay lumagapak si Alfred sa sahig halos pate ako ay matangay 'non kung walang isang malaking kamay agad na kumulong sa aking baywang.

Nagsi-tilian ang mga babae at umawat ang ibang kalalakihan.

Damon kicked Alfred from the back. Halos mamilog ang mga mata ko. Parang tinapon ang puso ko sa sobrang kabog nito.

"Fuck you." Damon hissed coldly.' Ramdam ko ang pagnginig ng kamay niya na nakagapos sa aking baywang.

"Sabi ko na sayo e." Ruru butt in.

"Sino ka sa akala mo dito!?" sigaw nito kay Damon at pilit lumalapit.Marami ang humaharang sa kanya.

Dinig kong nagmura ang ibang kasama ni Alfred.

"Damn bro! Wag si Damon.Alam mo kung ano yan!" sabi ng lalaking pumipigil kay Alfred.

"Eh ano naman ngayon?!" sigaw ni Alfred.

MistakesWhere stories live. Discover now