Chapter 43

110K 2.6K 110
                                    

Chapter 43
Minsan

"Ma kinakabahan ako." My heart hammered inside my chest. Parang hihimatayin ako sa sobrang kaba.

I am wearing my wedding gown. May pares na gwantes at belo na nakatabing sa aking mukha. Nagmistulang carpet ang mahabang saya ng aking gown.

Pinaghalong gold at white ang aking gown na gawa pa ni Felixxe Birorne'. Sikat na mananahi ng Paris. Kung ako ang papipiliin ,mas gusto ko ang mura. Alam kong halos million ang bayad ni Damon dito.

Isahang suot lang naman to. Bakit gumastos pa ng malaki?

Nangingislap ang mga mata ni mama na nakatingin sa akin. Nanginginig ang kamay na kinulong ang aking palad na nasa kandungan ko.

"Alam mo,yan rin ang nararamdaman ko 'nong kinasal kami ng papa mo." Suminghap siya at tumingala. Pinaypayan ang sarili para hindi maluha.

Mapait akong napangiti dahil may natanto. Hindi lahat na ikinasal ay pang habang buhay na magkasama. Hindi lahat na nangako ay nagkakasama. Dahil sa huli,nasa inyo parin ang direksyon ng pagmamahalan kung hanggang saan kayo magkakasama.

"Tayo na anak.Hinihintay kana ng groom mo sa loob." Ngumiti siya at inayos ang saya ng aking gown.

Lumabas ako ng sasakyan.

Pagkalabas ko palang ay nasa akin na ang lahat ng mga mata na naroroon. Parang nakalutang ang mga paa ko sa bawat apak sa kulay pula na carpet.

Nag iisang pag ibig
Ang Nais makamit yun ay ikaw
Nag iisang pangako

Agad tumunog ang kanta pagka pasok ko nang simbahan.

Nakatingin ang mata ng lahat sa akin pero isang lalaki lang ang aking tinignan.

Tila mabagal ang oras.Mabagal ang bawat hakbang bago makarating sa paroroonan. Bago marating ang lalaking aabot ng aking kamay at habang buhay na hahawakan.

Damon wearing an all white suit. Bagong gupit 'rin ito. Kumikinang ang kanyang hikaw sa tainga at nasa akin lang ang mga mata.

He looked so tense.

Bigla itong tumalikod at napatingala. Bumagsak agad ang luha ko. He's crying.. My boy is crying!

Tanging ikaw lamang
Ang aking iibigin
Walang ibang Hiling
Kundi ang yakap mo't halik

Kumpleto lahat. Ang dalawang pinsan na si Rad at Clinton.Ang Kuya niya na si Sebastian.May kanya kanya silang kasamang nag gagandahan na mga dilag.

I saw mama's crying. Nandito si Don Raymundo. Si Ma'am Sonya na hindi naka tingin at pinapaypayan ang sarili.Nandito rin si Venice.

May tumapik sa balikat ni Damon kaya dumapo ang tingin ko doon.

My father ay nasa gilid ni Damon.

"Papa!" Singhap ko at hindi kona napigilan ay binilisan ko ang lakad at niyakap siya ng mahigpit.

"A-Anak." Nanginig na sinabi nito.
"Congratulations." Pinasadahan ako nito ng tingin. "Sobrang ganda mo."

Patuloy sa pag agos ang aking luha at niyakap siya ulit. "S-Salamat sa pag dalo papa."

'Rinig ko ang iyakan ng ilan. Pate sila nadadala sa aming emosyon.Hinawakan ni papa ang palad ko at ginaya sa palad ni Damon na nakaa abang.

He's so handsome.Walang mintis.'Yong mukha na hindi nakakasawa tingnan. 'Yong mukha na mag papaalala sayo ng kadiliman pero may umaabang na liwanag.

Ngumisi siya at kinagat ang labi habang nakatingin sa akin.

"Please take care my daughter Damon." paalala ni papa at tinapik ulit ang balikat ni Damon.

MistakesWhere stories live. Discover now