Chapter 22

126K 3K 288
                                    

Chapter 22
Bumagsak ang luha


Umahon ang panibagong araw at nagsimula ang bagong umaga. Dahil unang petsa ng Setyembre,malamig na ang simoy ng hangin.

Hinawi ko ang kurtina nang aking kwarto sa pangalawang palapag ng bahay. Alas sais palang ng umaga ay gising na gising na ang aking diwa.

Hindi ko kilala kung sinu-sinong kaibigan iyon. Nangangamba din ako kung ano ang idadahilan ko kay mama. Kinakabahan rin dahil ito yung unang pagkakataon na luluwas kami ng Maynila ni Damon kasama ang mga kaibigan niya.

Halo halo ang nararamdaman ko. Kaba at excitement. I washed my face at nagtoothbrush bago bumaba. Hindi pa ako maliligo mamayang hapon nalang pag aalis na kami ni Damon.

Napangisi ako nang hawakan ang aking labi at kinilig. I imagined how Damon bit and sucked my lips.Darn it! Naaadik na ako sa halik niya.

Napa face palm ako at nakita kong namula ang aking pisngi.

"Nababaliw na ako."

Impit na sabi ko sa sarili at napapadyak.

"Anak?" Isang katok sa aking banyo ang napaigtad sa akin.

"M-Ma?"

"Mag almusal ka na. May dapat tayong pag-usapan." Striktaang tono ni mama kaya napakunot noo ako.

"O-opo..susunod ako."

Nag bihis ako nang pang bahay at lumabas ng kwarto upang tumungo sa hapag kainan.Nadatnan ko si mama na ayos na ayos at ready nang pumasok sa kanyang trabaho.

"Good morning ma.."

Bakit kaya parang galit siya?

"Good morning maupo ka na.. "

Like the usual. She gave me a milk. Kumuha din ako sa pancakes at nilagyan ng maraming syrup.

"Zandria anak may hindi kaba sinasabi sa akin?" Aniya ni mama nang makaupo na sa aking harap.

Bumundol ang kakaibang kaba sa akin.
"P-po?"

She closed her eyes tight. Sumandal ito sa sandalan ng silya at tinignan ako nang mabuti.

"Nakita kita kagabi." My eyes widened. Parang tinakasan ng dugo ang aking mukha at nanlamig iyon.

What?

"P-po?" Kinakabahan ako ng sobra.

Napahampas siya nang mahina sa mesa.

"Sagutin mo ako Qluie Zandria! You know what I mean.."

I bit my trembling lips.Nakikita ko ang galit at disappointment sa mukha ni mama.

"I'm sorry.." tanging nasabi ko at yumuko upang paglaruan ang aking daliri.

Her eyes became bloodshot.

"Nakita kita kagabi! Pumasok ka sa isang sasakyan! At bakit biglang namatay ang ilaw 'don sa loob ha? Sino ang kasama mo doon?" Natigalgal ako sa sinabi ni mama mas lalo akong kinabahan.

"S-sorry po.. m-may boyfriend na p-po ako."

Her lips parted and she gasped.

"So you mean...siya yung kasama mo kagabi sa labas? "

I nodded nervously.

"Opo ma."

"Oh my god..." She mumbled and massaged her temple.

"Dalaga ka na talaga. M-May boyfriend kana at hindi mo man lang pinapasok dito sa bahay? Hindi mo pinakilala sa akin? Zandria naman! I am your mother! Dapat kong makilala ang boyfriend mo!"

MistakesWhere stories live. Discover now