Chapter 41

102K 2.6K 187
                                    


Chapter 41
Final



Nagising ako sa araw na 'yon na nasa suite na ni Damon. Parang may hang over ako na masakit ang katawan ko. Pero hindi iyon ang inalala ko.

Inalala ko iyong mga nangyari. Iyong pakiramdam na iyon. Bakit ,ganon?
Damon saw it! At ngayon paano ko ieexplain iyon? dammn!

Hindi ako pumasok. Gustong gusto kong umiyak pero shit! Sa sobrang kaba at sakit ay namanhid na ako.

Wala si Damon ngayon. Nagising ako na wala siya. Sumisikip iyong dibdib ko. Paano kong ayaw niya na sa akin? paano kung. . hindi matuloy ang kasal?

Mabagal ang bawat oras at gustong gusto ko na sumapit ang hapon.I want to explain my side. I want to clarify some things. I want to say sorry!

Nang maghapon ay nag nagluto na ako nang hapunan. Alas sais na alas syete ang uwi ni Damon.

Nagtext ako sa kanya na hindi ako pumasok pero hindi siya nag reply. Tumawag din kanina si mama at nag usap kami. Hindi ko sinabi 'yong nangyari sa amin. Tumawag din si Ruru at alalang alala siya. Sarili pa niya ang sinisisi niya.

Nagluto ako nang paborito niyang manok na adobo at munggong may karne. Mausok pa ang kanin ng nilapag ko at tinignan ang orasan sa sala.

Seven thirty na pala pero wala pa siya?Sumikip ang dibdib ko sa sakit pero pilit kong pinatibay ang sarili.

Napamulat ako nang lumagapak ang pinto.Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa mesa sa kahihintay sa kanya.Alas diyes na pala nang gabi?

Nakahilig si Damon sa sinaradong pinto at hawak hawak ang ulo na nakatingala.

Yukot ang kanyang polo habang bukas ang ibang butones.Pa ekis ekis pa siyang lumakad.Lasing siya?

Hinagis niya ang suit niya sa sofa at kurbata.

"Damn shit! Fuck shit!" Malutong siya na nagmumura at ginulo ang buhok niya. Bigla siyang napatingin sa akin.

Those dangerous pair of eyes.Napako ako at napalunok sa uri nang titig niya sa akin. Wala na ang lambing doon. May halo na iyong kalamigan.

"Uh. . D-Damon, nagluto ako nang hapunan.Uh, kakain ka ba?"

Umigting ang panga niya at biglang ngumisi.Lumapit siya sa akin.Halos tumilapon ang mga pagkain sa mesa nang padarag niyang ituko doon ang kanyang dalawang kamay at tinignan ako.

Hindi ko alam pero gusto kong umiyak.Gusto kong manlumo sa kanyang titig.

He's not my Damon anymore.

"Minahal mo ba talaga ako? Ha Zandria?" Nanliit ang mga mata niya na nakatitig sa akin.

Parang tinarakan ng punyal ang puso ko. Why? Hindi niya pa ba 'ramdam yon?

Suminghap ako at tinignan siya nang maluha ko nang mata. "Mahal na mahal kita.Alam mo 'yon."

Tumingin siya ulit na pula na ang mata niya. Sa isang hila. inako niya ako sa sink nang kusina. Halos maiwan ang kaluluwa ko doon sa upuan dahil sa bilis nang paghila niya sa akin.

Naamoy ko ang amoy nang alak sa kanya at 'ramdam ko ang galit niya. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.

Nanginginig na ako sa takot at kaba. Bumuhos na ang luha ko.Pero tinignan niya lang iyon.

"D-Damon I'm sorry.Hindi ko 'yonn ginusto." Pagsusumamo ko at halos yakapin ko na siya.

"Am I not enough? Hindi pa ba ako sapat?" halos maramdaman ko ang sakit sa uri ng boses niya. Tumagos iyon sa puso ko. Ang marinig ang boses niya na basag at nagpipigil ng iyak ay pinapatay ako sa sakit.Doble sakit ito sakin.

MistakesWhere stories live. Discover now