Chapter 35

109K 2.7K 148
                                    


Chapter 35
Mistakes

Ito yung araw na ayaw kong dumilat. Ayokong magising.Kung pwede lang pahabain pa ang oras ng kahapon ay ginawa ko na.

Kagabi palihim kong inayos ang isang maleta ko. Sabi ni mama aalis siya ngayon para makahanap ng trabaho. In fact,kahapon pa siya nag aaply pero lahat sila ay tinanggihan si mama.

Alam ko ang puno't dulo nang lahat na ito. Hindi na ako magpapakaselfish pa. Kung pagpapatuloy ko ito,Damon will suffer.Ang mahirap pa pate si mama ay nadadamay.

Galit ako ,oo. Unang una humingi ako ng dalawang araw pero bakit kailangan niya pang gawin sa amin ito? Alam ko ang mama ni Damon ang dahilan kung bakit kahit pinsan mismo ni mama ay tinanggalan siya ng trabaho. At ngayon ito na naman.

Stress na stress si mama kakatapos lang kausapin ang may ari ng lupa na kinatitirikan ng aming bahay.

"Pinapaalis na tayo dito anak. Saatin nga ang bahay na ito pero hindi atin ang lupa. " Napahilamos ito ng mukha. Masid ko siya sa aking harapan na nakaupo.

"Paano na ito?" Walang pag-asang sabi niya.

Simula nong hindi na nagbibigay si papa ng pinansyal sa amin ay hindi na kami nakabayad ng lupa. Matagal tagal na kami hindi sinisingil dito pero ngayon galit na galit ang may ari kay mama na tila may hinugutan ito kanina.

May pumapasok sa utak ko na ediya kung sino ang may pakana nito pero hindi ko nalang inisip.

Wala akong ganang kumain. Ang hirap iwan ni mama. Ang hirap hirap iwan ni Damon.Alam kong kapag aalis ako ay tatantanan ni Ma'am Sonya si mama. Ako lang naman ang rason ng lahat na ito.

Gusto niyang umalis ako. Gagawin ko ito hindi para sa kanya. Hindi dahil takot ako sa kanya. Kundi dahil para kay Damon. If she want the best for Damon, ako 'ganon din. Dahil na rin naawa na ako kay mama.

Gusto kong murahin ang mama niya. Gusto kong pagsalitaan siya ng masama. Pero hindi ko gagawin, siguro nga mahirap ako at walang maipagmamalaki pero pinalaki akong may prinsipyo. Tinuruan akong gumalang sa mga tao. Pinalaki akong walang inaapakan na ibang tao.

'Yon lang ang maipagmamalaki ko.
Na kahit 'ganon siya kasama. Nirerespeto ko siya dahil ina siya ng lalaking mahal ko. Wala si Damon kung wala siya kaya gagalangin ko siya sa pagbigay buhay sa lalaking mahal ko.

Hindi ko din magawang magalit kay Ma'am Sonya. Naaawa ako dahil masyado siyang mapagmataas na kahit hindi maabot,dinadaan sa dahas para makuha. Naaawa ako dahil masyado siyang gahaman. Kaya ayokong sabihin kay Damon ang tungkol dito dahil ayokong kamuhian niya ang sariling ina. Sisisihin ko lamang ang sarili ko kapag 'ganon ang nangyari.

Marahan akong bumuga ng hangin habang iniisip ang bayarin sa lupa. Binigyan si mama ng limang buwan para makabayad. Siguro makahahanap ulit ako ng trabaho niyan.

Hahanap ako ng trabaho sa lugar na pupuntahan ko. 'Yon nalang ang gagawin kong rason kay mama kapag umalis na ako.

Today ,magkikita kami ni Damon sa school. And today is my last day..with him.Papasok ako sa kahabaan ng alley papuntang room na lutang. Nakatulala lamang ako at walang ibang marinig at maisip kundi ang pag aalis ko bukas.

"Y-Yan yong ticket to Mindoro. Pagdating m-mo ng Mindoro sasakay ka nang bangka papuntang Semirara. Dalawang oras ang biyahe ng bangka.Pagdating sa pier may nag aabang sayo doon na caretaker namin sa Lucena Village. Siya ang bahala sayo doon."

Mangiyak ngiyak na sabi ni Ruru. Hindi ito makatingin sa akin at pulang pula ang ilong nito dahil sa kakapigil ng iyak.

"Salamat talaga sa lahat..Ru.."

MistakesWhere stories live. Discover now