Chapter 48

115K 2.8K 219
                                    

Chapter 48
Remembered


Tila kay bilis talaga ng panahon. Mailang ulit na kaming nag lalabas ng bansa ni Damon. Ayaw niya akong iwan dito sa bahay.

Ngayon napag isipan ko na ihanda siya ng lunch niya at ihatid sa opisina niya. His schedule is hectic. And because I am his wife I'll bring the lunch in his office. Ayoko na kasing uuwi pa siya lalo na't pagod siya. Si Damon kasi ayaw niya sa pagkain na inoorder lang. He will cook or I'll cook.

Nakabihis na ako at tinatakpan nalang ang tupperware na may mga pagkain. Dahil may driver naman ako hindi ko na kailangan maghanap ng taxi.I am wearing a black jeans ,white shirt at pinaresan ng sneakers ang suot. Pinuyod ko din ang aking buhok.

Mailang ulit na ako dito pumunta sa opisina niya. Kaya dire diretso na ako at hindi na nag abalang mag tanong sa front desk. Nakita ko pa ang dalawa doon na nakataas ang kilay sa akin.

May dalawang tao lang naman kasi dito sa mundo. Gusto ka or ayaw ka. Siguro ayaw nila sa akin that's why they approach me like nothing.

Mas mabuti nang lie low sa lahat. Nginitian ko ang secretary niya sa labas agad itong tumayo.

"Good morning ma'am!" Yumukod pa ito at ngumiti sa akin.

"Good morning Max. Si Damon?"

"Nasa loob ng office ma'am. Pero may bisita po siya sa loob. Ang bilin niya sa akin kung ikaw ang papasok kahit importanteng meeting pa daw po papasukin daw kita sa office niya." Kumamot pa ito sa kilay niya.

Napangiti ako sa sinabi niya. Si Damon talaga.

Tumango ako then he opened the door for me. I have no idea kung sino sino ang sa office niya kaya pumasok na ako lalo na't mag aala una na.


Nang nakapasok ay napasinghap ako nang makita ang mga nandoon. Si Damon sa kanyang swivel chair at nilalaro ang labi na seryosong nakikinig sa dinidiscuss ni Sebastian. Nandoon si Ma'am Sonya at Venice tila seryoso ang pinag uusapan.

Sabay sabay silang napalingon saakin kaya halos magkanda ugaga ako kaya nabitawan ang hawakan ng eco bag kaya nahulog isa isa ang tupperware na may pagkain.

My jaw dropped at yumuko para pulutin iyon. Madramang suminghap si Ven. Pero napatigil ako nang hawakan ni Damon ang braso ko at inangat. Binalingan niya ang kasamahan.

"We're done for today. Just send me the emails and your ideas. " pinal na aniya ni Damon at pinulot niya ang tupperware.

Nakita kong umirap si Ven at lumapit sa mama ni Damon. "Tita let's go?"

Ngumingisi naman si Sebastian at kumindat sakin bago naunang lumisan ng office. My god. Ang feeling ko tuloy pa importante ako kaya natigil ang meeting nila.

Hinarap siya ng mama ni Damon.
"You go first. I'll talk to Zandria for a while."

Hinalikan ako ni Damon sa pisngi at idiin ang ilong doon at inamoy pa ako. Inakay paupo sa malapad na sofa na inupuan kanina ni Sebastian.

Ngumiwi si Ven at nagmamartsang umalis. Lumapit naman ang mama ni Damon sa amin.

"Hi po m-mama."


Ngumiti siya sa amin at sinulyapan ang pagkain. "You cooked?" She asked.

Tumango ako si Damon naman ay nag aarrange ng pagkain at pinggan sa mesa.

"You can join us Ma."

Umiling ito. "Uh no. I'm just checking.Tila inaalagaan ka nga talaga ng mabuti ni Zandria. That's good but you must take care yourself too hija. Dapat wag kang magpakastress. Dapat makabuo na kayo.."

MistakesWhere stories live. Discover now