Chapter50

126K 3K 255
                                    

Chapter 50
Call



"Anak.Alam mo bang alas dose na umuwi si Damon kagabi? Bakit hindi mo nalang kaya siya kausapin?"

Mag iisang linggo na ako dito sa bahay nila mama. Isang linggo na din na pagsusuyo sa akin ni Damon. Palagi akong nagkukulong sa kuwarto at maglalock kapag nandito siya.

Suminghap ako at nilapag sa mesa ang gatas ko.

"Magdusa siya! Bagay lang naman yan sa kanya." singit ni Ruru. Umiling si mama at suminghap na tila hindi sang ayon sa sinabi ni Ruru pero nanatiling tahimik.

Sa bawat araw palagi si Damon dito. Palaging may dalang prutas ,bulaklak at kung anu ano pa. Everytime he's here. Palagi akong nasa kwarto at hindi lumalabas. Palaging si mama ang kausap niya.

Hindi ko alam sa sarili why I'm doing this. I'm not that mad. But still...hindi ko magawang humarap pa sa kanya sa maraming rason.

Pero katulad rin ng usok sa hangin nawawala rin ang galit ko. Hindi naman ako nagtatanim ng galit e' lalo na hindi ko dinidiligan.

Hindi ako nag iba ng numero bawat text ni Damon nababasa ko. Bawat tawag niya hindi ko sinasagot.

Maulan na gabi ay nakahiga ako sa kama. Yakap yakap ang kumot sa katawan. Malakas ang ulan na sumasabay sa hangin sa labas. Nakatanggap ako nang tawag kay Damon. Bumugso ang haplos sa aking puso.

Tila may sariling buhay ang daliri ko at sinagot iyon. Nilapat sa tainga ko pero hindi ako nagsalita.

Dinig ko ang bawat paghinga niya.

"I miss you baby." his voice was husky.

Parang inuukay ang puso ko at biglang sumikip kasabay ng kalabog ng aking puso. My eyes started to wattered.

Hindi sumagot. Hinahayaan siyang magsalita.

"Come back to me...please.." he begged.

Ilang minuto pa na tahimik sa kabilang linya.

"Same bed but it feels just a little bit bigger now.."

Tumindig ang balahibo ko ng marinig ang boses niya.

"Our song on the radio but it don't sound the same."

He continued. Sobrang gaan ng boses niya at sobrang lamig. Hindi ko alam na maganda pala ang boses niya. Naiiyak ako habang kagat ang ibabang labi na nanginginig.

"When our friends talk about you all it does it tear me down."

"Cause' my heart breaks a little when I hear your name."

"It all just sounds like oohhhh."
Shit. Nanayo lahat ng balahibo ko nang walang piyok at buong lamig ng kanyang boses. Ang ganda ng boses niya.. sobra.

"Too young too dumb to realize.."

Nagsimula na akong humikbi at pumatak na ang luha na kanina pa pinipilan.

"That I should have bought you flowers and held your hand."

Parang may kung anong humaplos sa puso ko at uminit iyon. Tila nasasaktan din sa boses na naririnig. Posible din palang maramdaman ang damdamin sa pamamagitan ng isang kanta. Ramdam na ramdam ko iyong pangungulila niya. Ramdam ko ang lungkot niya. Ang pangungulila.

Tuluyan na akong napahagulhol at natahimik siya.Hindi na nadugtungan ang kanyang kanta.

"Baby.." basag niya sa katahimikan.

"Ayaw mo na ba sa akin?Just tell me.Dahil kung iiwan mo'ko at makikita lang naman kita sa piling ng iba.para'ng pinapatay na ako.Parang wala naman akong buhay kong wala ka sa tabi ko. Hindi ko na kaya."

Kahit na hindi ako nagsasalita at humahagulhol lamang ay pinagpatuloy niya ang pag sasalita.

"Noong nakita kita sa daan noon gandang ganda na ako sayo?" He chuckled again.
"Parang gago ako na bumuntot sayo at nagkunwari na' muntikan na kitang masagasaan? That was my intention to hold your hand. Tinulungan kitang tumayo noon at bumilis ang tibok ng puso ko ng mahawakan kita. Sayo ko lang naramdaman ito."

Nalukumos ko na ang kumot sa sobrang pigil ng iyak. I can't breath properly.

"At alam mo ba first time ko noon humingi ng pabor kay Sebastian? Ang taong iniiwasan ko ay nakuha kong makiusap na tumanggap ng scholar na studyante dahil nalaman kong scholar ka? Para dito ka mag aral.Lihim kitang inobserbahan and to my horror gusto mo rin pala ako. Alam mo bang hindi ko nagustuhan yo'n? Kasi dapat ako iyon and the second thing you're so young and vulnerable that you don't deserve someone like me.I'm a monster."

Umayos ako ng upo at pinunasan ang luha na walang kupas.

"Sinubukan kong limutin at iwasan ka pero hindi ko kinaya.Hindi ko kaya na wala ka."

Binasa ko ang labi ko at suminghap ng nanahimik na siya sa kabilang linya.

Hindi ko alam kung magsasalita ba ako? Pero hindi ko din alam kung saan uumpisahan.

"Baby , marry me again.." Napakurap kurap ako at hindi makapaniwala.

"Marry me again and we'll start all over again.I promise I'll be a good husband."

"Are you ready to be my slave then?" hindi kona napigilan at nagsalita na ako.

Napamura siya sa galak sa kabilang linya.

"O-of course." napamura ulit siya.

Sinulyapan ko ang orasan.It's nine in the evening at medyo tumila na ang ulan sa labas.

"Bring me foods right now.I'm starving." sabi ko sa kanya.Narinig ko ang kaluskos sa cellphone na tila nagmamadali.

"I-I'm coming! What do you want hmm? I'm fucking nervous."

"I miss you Damon."

Napatigil ang kabilang linya at marahas siyang napamura.

This is the time to forgive and forget. Kung ang panginoon nga nagpatawad. Ako pa kaya na tao lang?

"I love you. Baby , just wait for me." Damon said before turning the call off.

MistakesWhere stories live. Discover now